^

PSN Palaro

Magkapatid na Asuncion nasa finals

-
Bigay todo ang ipina-malas na laro ng magka-patid na Kennie at Kenne-vic Asuncion upang maka-rating sa finals ng $120,-000 Bingo Bonanza Phi-lippine Open Badminton Championships na hatid ng PLDT Business Solu-tions.

Inspirado sa mga local fans na dumayo sa Phil-Sports Arena, sinibak ng Asuncion ang pares mula sa Indonesia na sina Tri Kusharjanto at Minarti Timur, 21-15 at 21-18 sa semifinal round kahapon.

"It’s already a big achievement going just by making it to the finals," pa-hayag ni Kennie, ang na-kakatandang Asuncion sa edad na 29. "Its hard just to get past in the first round kaya sobrang hapi na kami na makarating dito."

Kinailangang magba-nat ng buto ng magkapa-tid na Asuncion sa ikala-wang set matapos ang magaan na tagumpay sa unang frame.

Kakalabanin ng Asun-cions na siyang natirang pambato ng bansa sa torneong ito na suportado rin ng The Philippine Star, ang bigating Thailand pair na ika-11th ranked sa bu-ong mundo.

Sinibak nina Sudket Prapakamol at Saralee Thoungthongkam ang Indonesian tandem na sina Muhamed Rizal at Gresya Palii, 21-8, 21-9 upang isaayos ang kani-lang laban kontra sa Pinoy bets.

Samantala, naitakda naman ng magkapatid na top seed Muhd Hafiz at Roslin Hashim, ang kanilang titular showdown sa men’s singles matapos igupo sina Ponsana Boonsak ng Thailand, 21-19, 21-13 at second pick Wei Ng ng Hongkong, 21-15, 21-19, ayon sa pagkakasunod.

Sa ladies singles, mag-haharap naman sina Sainia Newal ng India at Julia Wong Pei Xian ng Malaysia mata-pos dispatsahin ang mga Ja-pan entries na sina Ai Goto, 21-19, 20-22, 21-14 at Chie Umezu, 21-17, 21-14, ayon sa pagkakasunod.

vuukle comment

AI GOTO

ASUNCION

BINGO BONANZA PHI

BUSINESS SOLU

CHIE UMEZU

GRESYA PALII

JULIA WONG PEI XIAN

KENNIE

MINARTI TIMUR

MUHAMED RIZAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with