Asian Womens Volleyball papalo ngayon
May 24, 2006 | 12:00am
Sisimulan ng reigning champion China ang kani-lang kampanya sa pagpa-panatili ng korona, habang nais naman ng host Philip-pines na maging magan-da ang kanilang debut sa pagbubukas ngayon ng 2006 Hitachi Asian Womens volleyball club championship sa Rizal Memorial Coliseum.
Haharapin ng Tiajin Bridgestone China ang Thailand sa alas-4 ng hapon, habang makiki-pagbanggaan naman ang Philippines sa bagitong Indonesia sa alas-6 ng gabing engkuwentro.
Sa unang laro, sa alas-2 ng hapon, mag-uuna-han sa pagsikwat ng panalo ang Kazakhstan at ang Chinese Taipei mata-pos ang opening cere-mony sa ala-1 ng hapon.
Nakakuha naman ng bye ang Japan, na siyang paboritong koponan na manalo sa torneong ito na isang six-game round-robin format na itinatagu-yod ng Philippine Sports Commission, Hitachi Appliances at Bayview Hotel at nakatakda silang sumabak sa laban bukas.
"Every team here in Asia improves a lot so were expecting a real tough match here," wika ng Chinese head coach na si Wang Baoquan sa pamamagitan ng inter-preter.
Sasandig naman ang Philippines kina V-League two-time MVP Mary Jean Balce at Cherry Rose Macatangay, katulong sina Michelle Laborte, ang magkapatid na Michelle at Marietta Carolino, Sher-maine Penano, Anna Fulo, Glenda Pintolo, Jinni Mondejar, Jean Espolong, Dahlia Cruz, Christ Lati-gay at Beverly Boto. (BMeraña)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest