Habang sinusulat ang balitang ito, may isa pang team ang nakikipagsapalaran para makapasok sa semis. At ito ay ang Lyceum Lady Pirates.
Nauna na ang De La Salle Lady Archers, Adamson U Lady Falcons, FEU Lady Tamaraws at San Sebastian.
Siyanga pala, ilalaro ang semis sa ganap na alas-3 ng hapon para sa unang laro at alas-5 ng hapon naman ang second game. May ticket na rin po at mabibili ito sa halagang P30 sa upper box, P50 sa lower box at libre naman sa bleachers.
So go na kayo sa Blue Eagle Gym at mag-enjoy sa panonood ng mga magaganda at magagaling na volleyball players sa bansa.
Bakit? Kasi kasali ang aking si Leslie Jylle sa swimming competition (Novice Meet) ng Bert Lozada Swim School. Ito ang tournament ng lahat ng mga bata na nag-aral ng summer swim courses na idinaraos tuwing tag-araw.
So pawang mga baguhan at ngayon lang natutong lumangoy ang mga kasali dito.
Actually pinilit ko lang sumali si Leslie dahil gusto kong maranasan niya ang isang competition at higit sa lahat ma-overcome ang fear.
Its good na napapayag ko siya at isinali siya ng kanyang coach sa dalawang events--25m freestyle at 25m backstroke.
Speaking of the tournament, nakita ko sa listahan ang pangalan ni Paolo Sandejas. Ito yung anak ng Olympian swimmer na si Christine Jacob Sandejas.
By the way, tinanghal na Most Outstanding swimmer sa 4- years & under at 15 & above ang mga protegee ni Ellery Catalig, ang venue head coach sa Century Park Hotel-BLSS. Ito ay sina Byeong Lee (4 yrs) na gold medalist sa 25m breaststroke, freestyle, backstroke at butterfly at silver sa dog paddle at Kunti Tibby (16 yrs. old na) gold sa 25m backstroke, breast-stroke, bronze sa freestyle at 4th place sa butterfly. Ang isa pang bata ni Coach Elly ay si Jefferson Cabawatan ay bronze naman sa breaststroke. lto ang ilan lamang sa mga estudiyante ni coach Elley, Josephine Pilapil, Ferdinand Rubio, Mark Untalan at Ma. Claire Paño.
Bale 9th place ang Century Park Hotel swimming team sa overall.
Congrats at salamat sa lahat ng coaches dito sa pagtitiyaga nila sa aking mga anak at pamangkin para matuto ng tamang paglangoy.
At higit sa lahat salamat din kay coach Angelo Lozada.