^

PSN Palaro

Barnachea, sigurado na sa Tour title

- Carmela Ochoa -
TAGAYTAY City -- Isa nang ganap na Tour champion si Sunbolt team captain Santy Barnachea, Bagong King of the Mountain at tinanghal naman na Tagaytay-Tagaytay Stage 7 winner si John Ricafort ng Elixir Sports  at overall team champion ang Cossack Vodka.

Ito ang natukoy sa penultimate day ng 2006 Padyak Pinoy edition ng Tour Pilipinas kaya’t por-malidad na lamang ang mangyayari sa Marikina criterium sa pagtatapos ng 8-day race na ito na hatid ng Tanduay sa pakikipagtulungan ng Wow Magic Sing.

Napreserba ni Barna-chea ang overall leader-ship at ang kanyang hawak na kalamangan sa likod ng malakas na pag-babanta ng mga mahigpit nitong kalaban na sina defending champion Warren Davadilla ng Mail & More, No. 2 contender Frederick Feliciano ng Air21 at No. 3 Ericson Obosa ng team Inca.

"Masayang masaya kasi nakuha ko na to. Lahat naman kami nagha-hangad na magchampion sa tour, ako lang ang pinalad sa awa ng Diyos. Halos three-years akong naghintay. Matagal akong naghintay," wika ng 30-gulang na 2002 Tour of Calabarzon Champion na halos nakakasiguro na sa kanyang unang Tour Pilipinas title at P75,000 overall individual cham-pions purse.

Patungo sa huling stage ng karera na iikot ng 50-laps sa isang 1.5 kilometrong course sa Marikina, si Barnachea ay may kabuuang oras na 29-oras, 18.39 minuto na may 3:58 minuto pang distansiya sa pumapa-ngalawang si Feliciano at 7:13 minutong distansiya kay Obosa bagamat nagtangka ang dalawa na makalayo sa yellow jersey ngunit nagawang huma-bol ni Barnachea pagkata-pos ng Sungay.

Sinamantala ni Rica-fort ang pagbabantayan ng mga overall leaders nang hindi ito bumitiw sa unahan at solong tapusin ang 147.4 kilometrong karera na may matarik na ahunin sa Sungay sa Tali-say sa loob ng tatlong oras, 43-minuto at 56-segundo.

Tuluyan nang isinuko ni Warren Davadilla ang kanyang pangarap na makatatlong titulo sa Tour bagamat nagkaroon siya ng pagkakataong maka-lapit sa yellow jersey nang umagwat na ito ng mahigit na anim na minuto kay Barnachea na naiwan sa main peloton kasama sina Feliciano at Obosa na nasa third group bago umahon sa Talisay.

Matapos banderahan ang Stage 7, naagaw ni Ricafort ang P20,000 prize para sa King of the Mountain Title mula sa leading contender na si Barnachea matapos itong makakuha ng kabuuang 16-puntos para sa ka-buuang 32-points na tu-malo sa 28-puntos ni Bar-nachea na hindi nakakuha ng puntos sa pakikipag-bantayan sa gitna ng peloton.  

BAGONG KING OF THE MOUNTAIN

BARNACHEA

COSSACK VODKA

ELIXIR SPORTS

ERICSON OBOSA

FELICIANO

FREDERICK FELICIANO

JOHN RICAFORT

TOUR PILIPINAS

WARREN DAVADILLA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with