^

PSN Palaro

Barnachea tumatag sa No. 1 overall

- Carmela Ochoa -
STA. ROSA City -- Naipreserba ng Sunbolt team captain na si Santy Barnachea ang overall leadership matapos ang Stage 6 Lucena City-Sta. Rosa City,  ngunit para masiguro ang titulo sa 2006 Padyak Pinoy Tour Pilipinas, kailangan niyang magbantay ng husto sa penultimate stage ng karerang ito na hatid ng Tanduay at Wow Magic Sing.

Nakakuha ng suporta si Barnachea mula sa stage winner na si Ericson Obosa ng team Inca upang makahabol sa kan-yang mahigpit na karibal na si Air21 team captain Frederick Feliciano na hindi nito pinakawalan sa kanyang paningin para idepensa ang yellow jersey sa ikatlong sunod na araw.

"Nagbantay talaga ako (kay Feliciano). Kahit anong pilit niyang kuma-wala, sinabayan ko talaga. Pero muntik na, hindi ko masabayan sa lusong, grabe lumusong, takot ako lumusong. Sayang naman pinaghirapan ko kung makawala pa nga-yon," pahayag ni Barna-chea na nakakuha ng kakampi sa katauhan ni Obosa na kasama niyang naghabol sa Tatlong Eme sa Atimonan para maka-dikit sa lead group na kinabibilangan ni Feliciano na dumistansiya na ng halos dalawang minuto.

Ngunit mas mahigpit pa sa pagbabantay ng agila ang kailangang gawin ni Barnachea sa penultimate Stage 6 (Tagaytay-Tagaytay)  na dadaan sa matarik na Sungay sa Talisay, bago ang final stage na Mari-kina Criterium, ngayon laban kay Feliciano dahil hindi na nito kinokonsi-derang kalaban si Obosa.

Si Barnachea ay may total time na 25-hours, 29-minutes at 8-seconds na nanatiling may 4:07 minutong distansiya kay Feliciano at 7:13 minutong agwat kay Obosa ay kailangan na lamang niyang pangalagaan ang kalamangang ito para sa P75,000 premyo sa event na ito na inorganisa ng DOS-I, pinanganga-siwaan ng Phil. National Cycling Association at sanctioned ng PhilCycling.

"Bukas pa ganon pa rin ako, Kung sakali na-mang maiwanan ako, at least nasa tuktok na. La-hat ng kilos niya titignan ko kung anong gagawin niya, kahit anong gawin niya, susundan ko siya," ani Barnachea na kabilang sa 14-man lead group na tumawid sa finish line na pinangunahan ni Obosa kasunod sina defending champion Warren Dava-dilla ng Mail & More at rookie Edgardo Ballecer ng Cossack Vodka.

BARNACHEA

COSSACK VODKA

EDGARDO BALLECER

ERICSON OBOSA

FELICIANO

FREDERICK FELICIANO

LUCENA CITY-STA

NATIONAL CYCLING ASSOCIATION

OBOSA

PADYAK PINOY TOUR PILIPINAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with