Haharapin ng Rain Or Shine ang Granny Goose ngayong alas-4 ng hapon matapos ang salpukan ng Harbour Centre at bagitong TeleTech sa alas-2 sa second round ng 2006 PBL Unity Cup sa San Andres Gym sa Malate, Manila.
Nasa itaas pa rin ang Montaña Jewels mula sa kanilang 9-3 rekord kasunod ang Toyota Otis Sparks (9-4), Elasto Painters (7-5), Teethmasters (7-6), Magnolia Spinners (6-6), Portmasters (5-7), Titans (4-9) at Hapee-PCU Teethmasters (3-10).
Ang kabiguan ng Rain oR Shine, nagmula sa 76-90 pagkatalo sa TeleTech noong Sabado, sa Granny Goose, umiskor naman ng 85-78 panalo sa Harbour Centre noong Linggo, ang magbibigay sa Montaña at Toyota Otis ng dalawang outright semifinals berths.
Sa inisyal na laro, pipilitin naman ng Portmasters na makalapit sa isa sa apat na quarterfinals seat sa pagharap sa Titans, kasalukuyang nasa two-game winning streak. (Russell Cadayona)