Win No. 3 sa PCU

Sumulong ang Philip-pine Christian University sa kanilang ikatlong sunod na panalo matapos igupo ang Ateneo de Manila, 25-21, 25-23, 25-21, kahapon at manatiling nakadikit sa mga leaders ng V-League na hatid ng Shakey’s sa Blue Eagle Gym.

Sa tulong ng mainstay na si Cathlea Villaluz na nakipagtambal kay import Amelia Guanco, hindi pina-porma ng Lady Dolphins ang Lady Eagles para ma-kasulong sa 3-1 win-loss slate sa likod ng wala pang talong La Salle at Adamson na kapwa may 3-0 slates ngunit kasalukuyang nakiki-paglaban ang Lady Falcons sa Far Eastern U hangad ang win No. 4, habang sinu-sulat ang balitang ito.

Nagtala si Villaluz ng 15 kills habang nagposte na-man si Guanco, isa sa da-lawang guest players ng 10 habang sumuporta naman ang ibang miyembro ng koponan sa paglalatag ng mahigpit na depensa.

Show comments