^

PSN Palaro

Kay Wagan ang unang ginto sa Palaro

-
NAGA City -- Isang 14-anyos na incoming fourth year high school sudent ang sumungkit ng kauna-una-hang gintong medalya sa pagsisimula kahapon ng Palarong Pambansa dito.

 Hinugot ni Mage Wagan ng Jose Abad Santos High School ang gintong medalya sa secondary girls’ rope event ng rhythmic gymnastics com-petition para sa National Ca-pital Region (NCR) sa Nueva Caceres gymnasium and grounds.

Ang panalo ni Wagan, tinanghal na Best Athlete ng 2005 at 2006 Manila Youth Games (MYG), ay bahagi lamang ng 4 gold, 2 silver at 2 bronze medals na hinakot ng NCR sa elementary at secondary gymnastics.

"Magandang start po ito sa campaign ng National Capital Region dito sa 2006 Palarong Pambansa," wika ni Wagan, humakot ng tig-li-mang gintong medalya sa 2005 at 2006 MYG. "Hope-fully po magtuluy-tuloy na pati sa iba pong events."

Bukod kay Wagan, ang isa pang ginto ay nagmula kay Raizza Desiree Gar-cia na nagreyna sa hoop.

Samantala, anim na gold medals naman ang nakala-tag sa athletics event nga-yong araw sa Metro Naga Sports Complex.

Ang mga ito ay sa ele-mentary boys’ long jump at triple jump, elementary girls’ javelin throw at shot put at sa secondary boys’ long jump at triple jump at secondary girls’ javelin throw.

Ang CALABARZON ang siyang nagdedepensa sa elementary division, saman-talang ang Western Visayas naman ang nagtatanggol sa secondary level.

Sa makulay na opening ceremonies, pinuri ni Vice President Noli De Castro ang lahat ng partisipante na luma-hok sa annual sports event.

Dumalo rin sa okasyon ay sina Sen. Joker Arroyo, Sen. Francis Pangilinan, Rep. Renato Unico, DBM Se-cretary Rolando Andaya, Jr., DepEd Secretary Fe Hidalgo at PSC chairman William ‘Butch’ Ramirez. (Russell Cadayona)

BEST ATHLETE

FRANCIS PANGILINAN

JOKER ARROYO

JOSE ABAD SANTOS HIGH SCHOOL

MAGE WAGAN

MANILA YOUTH GAMES

METRO NAGA SPORTS COMPLEX

NATIONAL CA

PALARONG PAMBANSA

WAGAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with