^

PSN Palaro

Far Eastern nakatikim ng panalo

-
Sumandal ang Far Eastern University sa ka-nilang mahusay na attac-king game nang kanilang igupo ang University of the East, 25-22, 22-25, 25-11, 25-18, kahapon para ma-kapasok sa win column sa second conference ng V-League na hatid ng Sha-key’s Pizza sa Blue Eagle Gym.

Gamit ang malalakas na kamay, nagtala si Mary Ann Manalo ng 26 hits, kabilang ang 23 kills para sa unang panalo ng Lady Tams sa dalawang laro sa event na ito na hatid ng Shakey’s Pizza at supor-tado ng Accel, Mikasa at ABC-5.

Nakakuha rin ng su-porta si Manalo mula sa marikit na sina Rachel Anne Daquis, Ma. Jose-phine Cafranca at Wendy Ann Semana, na nag-ambag ng 14 at dalawang 10 points, ayon sa pagka-kasunod para sa panalo na lumukob sa kanilang 24-26, 23-25, 25-16, 19-25 pagkatalo laban sa Lyceum Lady Pirates noong nakaraang linggo.

Ngunit hindi nasiyahan si FEU coach Kit Santos sa kanilang tagumpay.

"This is not yet our game, we still have a lot of things to show and we’re just happy we won," ani Santos, na naggiya sa Morayta-based school patungo sa University Games crown noong na-karaang taon.

Matapos mabigo sa first set dahil sa mahinang net defense, nakabawi ang Lady Warriors sa pa-mamagitan ng epektibong court coverage at malulu-tong na kills ng matang-kad na team captain na si Suzanne Roces para itabla ang match.

Ngunit nagbida si Ma-nalo, pumalit kay power-hitting Ruby May Rovira na graduate na noong na-karaang taon, sa sumu-nod na dalawang set.

BLUE EAGLE GYM

FAR EASTERN UNIVERSITY

KIT SANTOS

LADY TAMS

LADY WARRIORS

LYCEUM LADY PIRATES

MARY ANN MANALO

NGUNIT

RACHEL ANNE DAQUIS

RUBY MAY ROVIRA

SUZANNE ROCES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with