^

PSN Palaro

Solo liderato patatagin ng Montaña

-
Sumasakay sa kanilang two-game winning streak, hangad ng Montaña Pawnshop na mapanatili ang kanilang pangunguna sa second round ng eliminasyon. 

"We need to play as a team katulad nu’ng ginawa namin sa first round," sabi ni mentor Nel Parado sa kanyang Jewels. "Pinaghahandaan na kami ng mga teams, kaya we have to play harder sa second round." 

Ibinabandera ang 6-1 baraha, sasagupain ng Montaña ang nagdedepensang Rain or Shine ngayong alas-4 ng hapon matapos ang pagkikita ng Magnolia at Harbour Centre sa alas-2 sa 2006 PBL Unity Cup sa San Andres Gym sa Malate, Manila. 

Inilista ng Jewels ang kanilang pangalawang dikit na panalo nang takasan ang Portmasters, 69-66, tampok ang dalawang mahalagang freethrows ni Alex Compton sa natitirang 15.7 segundo. 

Nagmula naman ang Elasto Painters sa 63-52 tagumpay kontra Spinners upang solohin ang ikatlong puwesto. 

"Second round na ito at lahat ng laro talagang importante na sa lahat ng teams," wika ni coach Leo Austria ng Rain or Shine. "Every game dapat ibigay mo na ang 100 percent mo." 

Ayon kay Austria, malaking bagay ang kanilang panalo sa Magnolia ni coach Koy Banal. 

"Magagamit namin ito as a morale booster before going up against Montaña," sabi ni Austria. (Russell Cadayona)

ALEX COMPTON

ELASTO PAINTERS

HARBOUR CENTRE

KOY BANAL

LEO AUSTRIA

MONTA

NEL PARADO

RUSSELL CADAYONA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with