MAGIC, INISNAB SI JABBAR

Bagamat limang kampeonato sa NBA ang inihatid ng kanyang kakampi sa Los Angeles Lakers na si Kareem Abdul-Jabbar, at malalim ang kanilang pinagsamahan, di pinansin ni Magic Johnson ang Hall of Fame center sa isang bagong librong inilabas ng NBA.

Sa aklat na "The Perfect Team: The Best Players, Coach and GM - Let The Debate Begin!" pinili ang sinasabing mga "all-time greatest" sa pananaw ng ilang eksperto.

Kabilang sa mga napili ay ang general manager ng Boston Celtics na si Red Auerbach, head coach ng Lakers na si Phil Jackson, at ang mga player na sina Michael Jordan, Magic Johnson, Larry Bird, Allen Iverson, John Havlicek, Jason Kidd, Shaquille O’Neal, Oscar Robertson, Bill Russell, Bill Walton, Jerry West at pati si Bill Laimbeer.

Ipinaglista rin nila yung mga pinili ng sarili nilang all-time team. Sa labindalawa, dalawa lamang ang bumanggit kay Jabbar. Nasa second team lang siya ni Havlicek, - Ano naman ang sabi ni Magic?

"Even though I love my wan Kareem, I have to go with Bill Russell because he won 11 championships. He had great fundamentals. He didn’t block the ball out of bounds."

Subalit ni hindi niya isinama man lang sa kanyang bangko ang all-time NBA leading scorer. Mabuti pa si Shaq, na nagsabing una sa kanya sa kagalingan si Russell, Wilt Chamberlain at Jabbar.

Baka akala ni Magic, kaya niyang mag-champion na walang Kareem.

Show comments