Naalala lang ang Pinas kung kailan laos na!

Dina-drum up na ang awareness para sa nalalapit na paglalaro rito ng mga ex-NBA players sa pangunguna ni Dennis Rodman.

May ilan akong kakilala na wala nang interes sa larong yan.

Kung kailan naman kasi nalaos yang mga NBA players na yan, at dahil wala nang malaruan sa Amerika eh tsaka pa naisipang bumisita rito sa Pilipinas.

Dahil wala na silang kita sa Amerika, ang mga Pinoy naman dito ang pagkaka-kuwartahan nila.

Korak!

Kung kailan kayo nalaos at tsaka nyo lang naalala ang Pilipinas!
* * *
Sa May 26 na ang laban ng Ginebra San Miguel at Alaska at ito’y gaganapin sa Guam!

Kaya naman haping-happy ang mga Pinoy OFWs na nasa Guam.

Kahit anong laro okay sa kanila, basta may Ginebra!

Kahit sinong kalaban, basta nandyan ang Ginebra, oks na!
* * *
Parami nang parami ang mga basketball players na nagne-negosyo.

Naniniwala silang di pang-habambuhay ang basketball kaya nag-umpisa na silang maghanap ng paraan para palaguin ang perang kinikita nila.

Si Rensy Bajar ay nag-umpisa na ring mag-negosyo.

Siya na ang may-ari ng Water Whiz na nandyan sa may E. Rodriguez Avenue, isang water filling station na marami na rin namang parokyano.

Kasosyo ni Rensy sa negosyong yan ang dati niyang kasamahan sa San Beda College team na si Ralph Rivera.

Si Ralph ay malapit na ring ikasal sa kanyang girlfriend.

Sa December 2006 ang kasal nila.
* * *
Kakaunti ang taong nanood sa PBA games sa Araneta Coliseum sa laro nung Miyerkules.

As in, napakaraming bakanteng silya.

Huwag nyong sabihing nag-uumpisa na namang tamarin na manood ang mga fans.
* * *
Headline: Larios, darating para mag-promote ng laban nila ni Manny Pacquiao.

Ang aga naman niyan....

Bakit, kinakabahan ba sila na hindi malakas ang hatak ng labang yan dahil sa simpleng dahilan na pagkamamahal ng tickets sa laban na yan eh di naman sikat yung kalaban ni Pacquiao?

Korak pa rin!
* * *
May bagong ka-partner ang V-League volleyball tournament ng Shakeys.

At yan ay ang Channel 5.

Mabuhay!

Show comments