^

PSN Palaro

Jose abad Santos na ang nasa unahan

-
 Inagaw ng Jose Abad Santos ang pangkalaha-tang pamumuno ng 5th Manila Youth Games sa tulong ng produksiyon ng Barrio Obrero, F.G. Calderon at M. Hizon Elementary School sa athletics at chess competition kahapon.

Humakot ang Bario Obrero at ang M. Hizon ng 11-golds sa athletics event na ginanap sa Rizal Memorial Track Oval habang dalawang ginto mula sa chess ang iniambag ng F.G. Calderon para agawin ng Jose Abad Santos ang overall leadership sa Binondo patungo sa huling araw ng weeklong meet na ito para sa 17-gulang pababa na inorganisa ng Manila Sports Council ni chairman Ali Atienza.

Hawak ng Jose Abad Santos ang liderato matapos magtala ng 49-golds, 35-silvers at 29-bronzes ngunit di nakalalayo ang Binondo na may 41-25-12 gold-silver-bronze medals ayon sa pagkakasunod.

Nasa ikatlong puwesto ng event na ito na hatid ng Converse sa tulong ng PSC, PAGCOR, San Miguel, Super Ferry, Montaña, Globe Telecoms, Milo, Air21, IntrASports at Concept Movers ang Paco  na may 33-24-30 gold-silver-bronze kasunod ang Pandacan (31-28-24), Dapitan (31-25-23) at Sta. Cruz (18-14-12).

Bukod sa taekwondo ay may natitira pang athletics event, Paralympics at badminton event kaya’t inaasa-hang magiging ngipin sa ngipin ang labanan ng Jose Abad Santos at ng Binondo para mapasakamay ang overall title. (CVOCHOA)

ALI ATIENZA

BARIO OBRERO

BARRIO OBRERO

BINONDO

CONCEPT MOVERS

GLOBE TELECOMS

HIZON ELEMENTARY SCHOOL

JOSE ABAD SANTOS

MANILA SPORTS COUNCIL

MANILA YOUTH GAMES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with