^

PSN Palaro

Binondo rumatsada sa unahan

-
Sumandal ang Binondo sa Jose Abad Santos Elem. School at sa City Colleges of Manila upang kunin ang pangkalahatang pamumuno matapos ang limang araw na kompetisyon sa 5th Manila Youth Games.

Umangat ang Binondo dahil sa Jose Abad Santos Elem. School na humakot ng kabuuang 31 gold medals sa pagpasok ng mga kumpletong events sa gymnastics at nagbigay din ng kontribusyon ang City Colleges of Manila na humakot naman ng 10-golds mula sa ikalawang bahagi ng swimming competition.

Mula sa naunang 18-golds na nakuha sa gymnastics na ginanap sa Rizal Memorial Coliseum, nadagdagan ng 13 golds ang Jose Abad Santos na dinagdagan ng CCM ng 10-golds para sa kabuuang 42-25-12 gold-silver-bronze medal production ng Binondo.

Nasa ikalawang puwesto ang Paco na sumandal naman sa Philippine Columbian Association (PCA) matapos humakot ng 26 golds sa 2-parts na swimming competition na ginanap sa Rizal Memorial Swimming pool at sa Emilio Aguinaldo Swimmin pool, taglay ang 33-24-30 gold-silver-bronze medals.

Nasa ikatlong posisyon naman ang Pandacan na may 31-28-24 na produksiyon kasunod ang dating leader na Dapitan na sumandal naman sa White Whales sa kanilang 26-gintong nilangoy sa swimming para sa kabuuang 28-23-20 na produksiyon sa event na ito na hatid ng Converse at suportado ng PSC, PAGCOR, SMC, Supper ferry, Montana Pawnshop, Globe Telecoms, Milo, Air21, Intra Sports at Concept Movers.

Pinangunahan nina Russel Plata at Renz Evangelista ang pananalasa ng CCM sa event na ito para sa 17-under na kabataan na inorganisa ng Manila Sports Council, matapos manalo ng limang golds at tatlong ginto ayon sa pagkakasunod.

Namayagpag si Plata sa boys 15 — 18 years old 50-m free, 50-m fly, 50-m breast, 50-m back at 100-m freestyle events, habang nanguna si Evangelista sa boys 10 under 25-m butterfly, 25-m backstroke, and 25-m freestyle.

Sa centerpiece athletics competition, nanalo si Raine Reyes ng Plaridel Elementary School sa Solis, Tondo ng gold medal sa boys 12-under shotput gayundin si Ma. Gizela Bacanaya ng Baseco sa girls 12-under shotput. (CVOchoa)

BINONDO

CITY COLLEGES OF MANILA

CONCEPT MOVERS

EMILIO AGUINALDO SWIMMIN

GIZELA BACANAYA

GLOBE TELECOMS

INTRA SPORTS

JOSE ABAD SANTOS

JOSE ABAD SANTOS ELEM

MANILA SPORTS COUNCIL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with