Hahataw ngayon ang kompetisyon sa gymnastics at swimming events kung saan may kabuuang 89 gintong medalya ang nakataya para sa Day 1 ng limang araw na event na ito para sa mga kabataan na may 17-gulang pababa mula sa in at out of school youth buhat sa 897 barangays, anim na congressional districts at 130 public at private schools ng Maynila.
May 59 ginto ang paglalabanan sa gymnastics sa Rizal Memorial Gymnastics Center, habang ang 30-golds naman ang nakataya sa swimming event sa Rizal Memorial Swimming Pool.
Magsisimula rin ang elimination rounds sa badminton sa Rizal Memorial Badminton Center, table tennis sa Rizal Memorial Coliseum at volleyball sa San Andres Sports Complex.
Idinaos kahapon ang makulay at simpleng opening ceremonies sa Rizal Memorial Track Oval kung saan pinarangalan sina legendary basketball coach Virgilio "Baby" Dalupan at Philippine Sportswriters Association (PSA) awardee Eduardo Pacheco.
Ang iba pang sports na paglalabanan ay athletics, chess, softball, baseball, taekwondo, lawn tennis, football at paralympics. (CVOchoa)