TeleTech magde-debut laban sa Montaña
March 25, 2006 | 12:00am
Sisimulan ng baguhang TeleTech ang kanilang kampanya sa 2006 PBL Unity Cup na magbubukas ngayon sa San Andres Gym bilang guest team.
Ngunit asahang sa susunod na buwan ay magiging regular na miyembro ng pamilya ng PBL ang Titans.
Ibinalita kahapon ni Craig Reines, vice-president at general manager ng Teletech na kasalukuyan na silang nakikipagnegosasyon sa PBL para sa pagbili ng prangkisa.
"Were looking for a long term commitment in the PBL so we are now in the process of acquiring a franchise," ani Reines na panauhin sa lingguhang SCOOP sa Kamayan sa Padre Faura kahapon kasama ang buong koponan ng TeleTech na pinangungunahan ng team captain na si Niño Gelig at si Ariel Capus.
Tiwala si Reines sa kakayahan ng kanilang coach na si Jerry Codiñera, ang dating PBA star, na masusubukan ngayon ang kanyang galing sa pagmamando sa pakikipagharap ng Titans sa bigating Montaña Pawnshop sa alas-2:00 ng hapon bilang opening game.
Bagamat halos dalawang linggo pa lamang nakakapag-ensayo ang Teletech, kumpiyansa si Codiñera sa kanyang tropa.
"This team is a reflection of my personality. We have already identified our strong points and our weak spots. Im here to guide them to make basketball simple but effective," ani Codiñera.
Mauuna rito ay ang isang oras na opening ceremonies na sisimulan sa ganap na alauna ng hapon kung saan panauhin ang boxer na si Brian Villoria at magpe-perform ang Rivermaya.
Sisimulan din ng Magnolia Ice Cream, kampeon sa nakaraang PBL Heroes Cup, ang kanilang kampanya para sa back-to-back title sa pakikipagsagupa sa Granny Goose Tortillos sa ikalawang laro.
"I expect another lively and exciting battle for the title this year. Some players will be leaving so Im sure they give their best shot," wika ni Commissioner Chino Trinidad. "Halos lahat ng teams nagpalakas, even Tele-Tech. They cant the team of Codiñera for granted." (CVOchoa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended