Bagamat marami ang nagsasabi na tila mahihirapan ang Elasto Painters na mabura sa kanilang alaala ang mapait na nakaraan.
May naisip na paraan si Rain or Shine coach Leo Austria. Hindi lang na handang kalimutan ng Elasto Painters ang mapait na alaalang iyon, kundi nais rin nilang patunayan na handa na rin silang umakyat sa pro league.
At sa katunayan, mataas ang respetong nakataya para sa Elasto Painters ngayong kumperensiya--dahil idedepensa nila ang kanilang korona na kanilang pinagwagian mula sa mga kamay ng Montaña Pawnshop noong nakaraang taon.
Bagamat sa Sabado magbubukas ang 2006 PBL Unity Cup sa San Andres gym sa Malate, sisimulan naman ng Rain or Shine ang kanilang kampanya sa pagpapanatili ng hawak na korona sa Linggo laban sa Harbour Centre.
Abot kamay na ng Rain or Shine ang pagsubi sa kanilang ikapitong titulo noong nakaraang Pebrero matapos na igupo ang Magnolia Ice Cream sa Game 1 at 2 ng kanilang best-of-5 title series.
Ngunit, sinalanta ang Rain or Shine ng kamalasan ng makabangon ang Magnolia mula sa 0-2 deficit at itakas ang korona at ito ang pinakamalaking kasaysayan na naipinta sa liga.
Naniniwala naman si Austria na kahit ang sinumang koponan ay maaaring mangyari ang naganap sa kanila maging sa ilang matitikas na koponan sa PBA o sa NBA.
Kapwa naman kumbinsido ang mga team owners na sina Raymond Yu at Terry Que na magagamit ng kanilang bataan ang nasabing kabiguan upang mas lalong gumawa ng opensa tungo sa kanilang magandang pagtatapos sa premiere amateur league sa bansa.
Nakatakdang pumalaot ang Rain or Shine sa pro league ngayong October at nais ng mga may-ari ng koponan ng magandang pamamaalam sa liga--ang makuha ang korona.