5th MY Games suportado ng NCAA

Nagbigay ng buong suporta ang pinaka-matandang athletic league sa bansa sa pagdaraos ng Fifth Manila Youth Games (MY Games) na nakatak-dang pumalo sa Abril 2-9 sa Rizal Memorial Sports Complex.

Ayon kay National Colle-giate Athletic Association Management Committee chairman Bernie Atienza, nangako ang liga na lalahok ang kanilang junior athletes mula sa Manila sa nasabing event na inaasa-hang magpapamalas ng tikas ng mga atletang may edad 17 pababa mula sa Big City.

Pinasalamatan naman ng Organizing Manila Sports Council chief Arnold ‘Ali’ Atienza ang NCAA MAN-COM, na binubuo ng sports directors mula sa iba’t ibang paaralan na kalahok sa liga.

Sa katunayan, lahat ng 897 barangays sa siyudad, gayundin sa 130 public at private schools sa ilalim ng Manila’s Division of City Schools ay nagbigay rin ng kani-kanilang suporta sa event na ito na presinta rin ng Converse NA may suporta mula sa Philippine Sports Commission, PAGCOR, San Miguel Corp., Super Ferry, IntrASports at Concept MOVERS.

Show comments