Catameo, Dizon, humarurot sa Puerto Princesa
March 14, 2006 | 12:00am
PUERTO PRINCESA CITY Ipinamalas nina Boy Catameo ng Tanay, Rizal at Noel Dizon ng Angeles City ang kanilang pananalasa at tikas sa kanilang estratehiya ng kanilang kunin ang mataas na karangalan kahapon sa 2nd Balayong Festival MP Turbo-Puerto Princesa 4x4 Challenge and Motorbike Speedfest sa Sta. Monica Raceway dito.
Humugot si Catameo ng lakas mula sa mahigit 3,000 manonood ng kanyang iposte ang fastest time na 1:43.38 upang tanghaling 4x4 Extreme Champion ng event na ito na presinta nina Puerto Princesa City Mayor Edward Hagedorn, Oplan head Mrs. Ellen Hagedorn, City Administrator Atty. Augustin Rocamora, Councilor Mark Hagedorn at City Sports head Noli Hitosis na may karagdagang suporta mula sa Superferry, Honda Motorcycles, Honda Prestige, GSM Blue, Red Horse Beer at GCG Pipes. Si Dizon na pangatlo lamang sa Extreme Challenge sa kanyang tiyempo na 2:39.83, habang si Dexter Tang at Florencio Parcon Fidel ang kumubra ng fourth at fifth place, ayon sa pagkakasunod.
Ngunit nagawang makiagaw ng eksena ni Dizon, dating Luzon 4x4 Federation champion ng kanyang kunin ang tatlong korona--ang 6-Cylinders, 4-Cylinders at production 33 crowns.
Si Dizon ay nagposte ng 2:07.70 upang dominahin ang 6-Cylinders class kontra kina Aslam at Catameo, bago nagposte ng 1:55.20 upang manalo sa 4-Cylinders division laban kina Palaweño John Andrew Russel at Fidel at tuluyang isara ang laban sa pagtala ng fastest time na 2:04.59 sa Production 33 class laban kina Russel at Fidel.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest