Pagsasama-samahin ng Lungsod ng Maynila ang lahat ng top athletes at seaports enthusiasts sa pagtatanghal ng 4th Manila Bay Summer Seasports Festival sa Manila Baywalk, Roxas Blvd. sa darating na March 25 at 26.
Magkakaroon ng ibat- ibang events tulad ng dragon boat racing, sailing, beach volleyball, at wall climbing competition na ang highlight ay ang 2nd MBC Bancathon Festival, na nahahati sa dalawang races: Stock race at Formula (modified) race. Ang specification ng mga makina para sa Stock race engine ay dapat Std. 16HP Briggs & Stratton habang ang para sa Formula race ay Open Briggs & Stratton (Engine: 13, 16 & 18 HP).
May mga dragon boat racing tourneys na naka-schedule na maganap sa pinakaabangang two-day event na ito na sasalihan ng mga local Olympic rowers, Southeast Asian at Asian Games medalists, national rowers at members ng Philippine team training pool na mag re-race along the bay.
May mga hobbyists at university athletes din na nakatakdang makilahok sa sailing, wall climbing at beach volleyball. Magtatayo ng climbing wall at beach volleyball court sa may fountain area ng Rajah Sulayman Park sa harap ng Baywalk.
Mas malalaking premyo ang nakatakdang ipamigay ngayong taon. Para sa Stock race winners, P130,000 ang mapapanalunan ng Grand Champion kasama pa ang Briggs & Stratton Engine at Cord Marine Epoxy; ang 2nd place winner ay magkakamit ng P70,000, kasama pa ang Briggs & Stratton Engine at Cord Marine Epoxy; ang 3rd place ay mag uuwi naman ng P40,000 at Cord Marine Epoxy; habang ang 4th place ay magkakamit ng P20,000 at Cord Marine Epoxy.
Samantala, ang grand prize winner para sa Formula (Modified) Race ay mag-uuwi ng P70,000 at Cord Marine Epoxy; ang 2nd place ay mananalo ng P40,000 at Cord Marine Epoxy; ang 3rd place ay makakakuha ng P20,000 at Cord Marine Epoxy; at ang 4th place ay mag-uuwi ng P10,000 at Cord Marine Epoxy.