^

PSN Palaro

Austria, bidang-bida ngayon

TAKE IT TAKE IT! - Nap Gutierrez -
Isang grupo ng mga college basketball players ang kasa-kasama ng mga mayayamang bading kamakailan lang.

Iniisnab ng mga college players na ito ang isang bading na hindi mayaman na kaibigan ng mga rich gays na ito.

Tuwing bababa sila sa elevator, iniiwasan ng mga college players na ito na sabayan si bading na hindi mayaman pero may sinabi rin naman sa lipunan.

Nung huling makasabay ni bading ang mga college players na kinukutya siya, hindi na siya nakapagpigil na mag-litanya...

"Mga pu..ng ina nyo, akala nyo kung sino kayo. Mga patay-gutom naman kayo. Kung di pa kayo papatol sa bading, hindi kayo makakain, di kayo makakabili ng toothbrush. Kung di pa kayo papatol sa bading, wala nga kayong pambili ng deodorant sa kilikili nyo. Kung makatingin kayo sa kapwa nyo, akala nyo kung sino kayong mga may pera, eh palamunin lang kayo ng mga bakla."

Natulala yung mga college players mula sa isang eskuwelahan diyan sa Manila.
* * *
Bidang-bida ngayon si Leo Austria sa basketball.

May hawak siyang collegiate team--ang Adamson University Falcons sa darating na UAAP season. He’s challenged by this dahil alam niyang matagal nang di nakakapasok sa Final 4 ng UAAP ang Adamson at kailangan niya itong bigyan ng magandang finish.

Na-appoint na uling coach ng Rain or Shine team ng PBL si Leo.

Matapos itong matalo nung nakaraang conference, he’s now challenged to give the team a fitting achievement bago ito umakyat sa PBA.

At habang ginagawa niya ito, pinagplaplanuhan naman niya ang binubuo niyang team para sa PBA this October.

Nakakaloka ang ginagawa ngayon  ni Leo pero sabi nga niya, okay sa kanya ang lahat ng challenges na ito.
* * *
Ang ganda ng laro ni James Yap para sa Purefoods nung isang araw.

Career-high 34 points.

I am sure masayang masaya si Kris Aquino.
* * *
Happy birthday sa March 12 sa aming kaibigan na si Tess Canson, asawa ni Coach Nat. Isa si Tess sa itinituring naming tunay na tunay na kaibigan dahil sa hirap at ginhawa, never niya kaming itinatwa at iniwanan. Kakaunti na ang ganyang klase ng kaibigan sa basketball world, at sa buong mundo na rin.

Nawa’y bigyan ka pa ng maraming grasya at lagi ka sanang bigyan ng good health and a happy life. Yan naman ang mas kailangan mo ngayon dahil mayaman na mayaman ka na! ha ha ha

Happy birthday, Tess! (Happy birthday Mare!-Dina)

ADAMSON UNIVERSITY FALCONS

COACH NAT

JAMES YAP

KAYO

KRIS AQUINO

LEO AUSTRIA

TESS

TESS CANSON

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with