^

PSN Palaro

Mas dumami ang interesadong sumali

-
Ang desisyon na iurong ang pinakahihintay na Bingo Bonanza Philippine Open ay tila magiging ‘blessing in disguise’.

Inihayag ng mga opisyal ng $120,000 event kahapon na gaganapin ang torneo sa May 24-28 sa PhilSports Arena sa Pasig, ang date na naging dahilan para mas maraming makalaro at mabigyan ng sapat na panahong makapaghanda ang mga participants.

"As everybody said, it could be a blessing in disguise since there could be other countries which might come in," ani dating First Lady Amelita "Ming" Ramos, president ng Philippine Badminton Association (PBA) na naging pana-uhin sa PSA Forum sa main function room ng Pantalan Restaurant sa Manila.

Sinamahan nina PBA vice-president retired Gen. Edgar Aglipay, Bingo Bonanza president at CEO Albee Benitez at Princess Galura ng organizing International Management Group (IMG) si Mrs. Ramos sa public sports program na sponsored ng PAGCOR at Manila Mayor Lito Atienza.       

Sinabi ni Aglipay na ang bagong playing date ng RP Open ay naipit sa tatlong malalaking badminton tourna-ments sa summer -- ang Thomas Uber na gaganapin sa Japan at ang mga China at Singapore Opens.       

"The schedule is favorable on our part since we expect the players to come straight here from the Thomas Uber Cup, after which, they can go and compete in the China and Singapore Opens," dagdag ni Aglipay, na nagpasalamat sa International Badminton Federation (IBF) dahil naisingit ang RP Open sa calendar of events.       

Nauna itong naitakda noong March 1-5 ang torneong ito na tatampukan ng mga top badminton players mula sa iba’t ibang bansa ngunit ni-reschedule ito ng PBA dahil sa mga sunud-sunod na kaganapan sa bansa.

Bagamat napatagal, sinabi ni Benitez na hindi titigil ang Bingo Bonanza sa pagsuporta sa badminton.          

AGLIPAY

ALBEE BENITEZ

BINGO BONANZA

BINGO BONANZA PHILIPPINE OPEN

CHINA AND SINGAPORE OPENS

EDGAR AGLIPAY

FIRST LADY AMELITA

INTERNATIONAL BADMINTON FEDERATION

INTERNATIONAL MANAGEMENT GROUP

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with