Karangalan at titulo asam ni Gabi
March 4, 2006 | 12:00am
Sinasandigan ang hangaring karangalan para sa sambayanang Filipino, patay kung patay ang inaasahang makikita kay Diosdado "The Prince" Gabi sa kanyang pagharap laban sa IBF flyweight champion na si Vic Darchinyan ng Australia ngayong hapon na itinakdang maganap sa Chumash Casino, Sta. Ynez, California.
"This fight is the most important fight in my life. I want to win to make my country proud," wika ni Gabi matapos ang isinagawang weigh-in na kung saan ang Filipino challenger ay tumimbang ng 111 lbs.
Hindi rin niya iniintindi ang pangmamaliit sa kanya ng nagdedepensang kampeon na tiniyak na patutulugin si Gabi sa nasabing laban.
"I think he is looking past me, but I dont care. Im going in there to take his title. This will be a classic boxer against puncher match-up," wika pa nito.
Ito ang unang pagkakataon na masasalang sa lehitimong title fight si Gabi na ipaparada ang 26 panalo sa 29 na laban kasama ang 19 KO.
Hindi pa naman natatalo sa 24 laban si Darchinyan at mayroong 19 KO na patunay sa taglay nitong lakas sa magkabilang kamao.
"When I go into the right, Im a different person. I cannot see anyone other than my opponent," wika ni Darchinyan na tumimbang sa eksaktong 112 lbs.
Si David Mendoza ang siyang kinuha upang umaktong referee at kung hindi magaganap ang ipinagmamalaking knock-out win ni Darchinyan, sina Lou Moret, David Denkin at Pat Russell ang siyang hihirang ng mananalo matapos kunin bilang mga hurado ng 12-round title fight.
Bago ang title fight ay inaasahang dadaan muna si Gabi kasama ang kanyang handlers sa pangunguna ni Michael Koncz na siya niyang manager, sa simbahan upang hilingin ang basbas ng nasa Itaas.
"Gabi is very confident and he wants to show that he is capable of doing tomorrow," kumpiyansang pahayag ni Koncz na kinuha rin ang serbisyo ni American trainer Freddie Roach para maikondisyon nang husto si Gabi.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am