^

PSN Palaro

WBC belt inalay ni Viloria sa Pinas

-
Di tulad ng magarbong pagsalubong na ibinigay kay Manny Pacquiao, kapuna-punang walang bongga o hero’s welcome na iginawad sa pagdating ni World Boxing Council champion Brian Viloria.

Si Viloria, tubong Vigan at Narvacan, Ilocos Sur na nakabase sa Hawaii ay dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dakong ala-1:10 ng hapon, kasama ang kanyang amang si Benjamin.

Bagamat hindi kasing bongga ang pagdating ni Viloria kumpara kay Pacquiao, hindi ito naka-apekto sa kanya at buong pagmamalaki pa rin nitong inialay sa bansa ang WBC belt na simbolo ng kanyang pagiging kampeon.

Sinabi ni Viloria na sanhi ng malakas at buwelong suntok nito sa panga ng katunggaling Mexican boxer, napilay ang kanyang kanang kamay.

Tinalo ni Viloria sa unanimous decision ang Mexican champion na si Jose Antonio ‘El Jaguar" Aguirre sa kanilang title bout na ginanap sa Aladdin Hotel sa Las Vegas noong Pebrero 19 upang mapanatili ang korona at malinis na record na 19 panalo na may 12 knock-outs.

Binigyan diin ni Viloria na bagamat ipinanganak at lumaki ito sa Amerika, mas nananalaytay ang kanyang dugong Pilipino.

"Although I was born and raised in United States, I am much more of a Filipino than an American and I’m proud to be a Filipino," wika ni Viloria.

Nanawagan din si Viloria sa kanyang mga kababayan na "Keep fighting as one and not fight each other no matter how hard it is. We need to be as one for the sake of our country."

Samantala, pinaghahandaan ngayon ni Viloria ang posibleng pagdepensa ng WBC lightfly-weight crown laban kay Ivan "Iron Boy" Calderon na malamang ganapin sa bayan ng huli sa Puerto Rico. (Butch M. Quejada)

ALADDIN HOTEL

ALTHOUGH I

AMERICAN AND I

BRIAN VILORIA

BUTCH M

EL JAGUAR

ILOCOS SUR

IRON BOY

JOSE ANTONIO

VILORIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with