^

PSN Palaro

POC dapat nang kumilos

-
Sinabi ni Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William ‘Butch’ Ramirez na kailangan nang kumilos ang Philippine Olympic Committee (POC) sa lalong madaling panahon para sa pagkampanya ng bansa sa Doha, Qatar Asian Games sa Disyembre.

Ayon kay Ramirez, nakapagsimula na ang ibang bansa gaya ng Korea, Qatar, Thailand, Japan at iba pa sa kanilang preparasyon para sa December 1-14 Asiad kaya naman tila nahuhuli na tayo sa paghahanda.

"They (POC) Should move faster," pahayag ni Ramirez. "The POC has manifested that it is the POC’s call. They should set the criteria para masundan namin."

Ipinaliwanag ni Ramirez na kailangan nilang malaman kung ilang atleta ang ipapadala sa Doha Asian Games para malaman kung magkano ang pondong ilalaan ng ahensiya.

Sa taong ito, pinaglaanan lamang ng P28 milyon ang PSC ngunit umaasa si Ramirez na madadagdagan ang halagang ito sa final deliberation sa bicameral committee.

Gayunpaman, umaasa si Ramirez na muling tutulong si First Gentleman Mike Arroyo gaya nang ginawa nito sa Southeast Asian Games na idinaos dito sa bansa noong nakaraang taon kung saan kumalap ang FG Foundation ng pondo para sa training ng mga atleta.

Sinabi ni Ramirez na nais nitong magpadala na lamang ng ‘lean and mean’ team para sa quadrennial meet. "First, because walang pera. Second, why send athletes that will not win," ani Ramirez. (Carmela V. Ochoa)

CARMELA V

CHAIRMAN WILLIAM

DOHA ASIAN GAMES

FIRST GENTLEMAN MIKE ARROYO

PHILIPPINE OLYMPIC COMMITTEE

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

QATAR ASIAN GAMES

RAMIREZ

SINABI

SOUTHEAST ASIAN GAMES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with