^

PSN Palaro

Scottish boxer nais labanan si Pacquiao

-
Nadagdagan pa ng isa ang mga boksingero na nagpahayag ng kahandaan na sukatin ang lakas ng dating world champion na si Manny Pacquiao.

Isang Alex Arthur ng Scotland ang nagpasabi ng kanyang hangaring maging katunggali ng 27-anyos na tubong General Santos City sa gagawing tune-up fight niito sa Pilipinas sa Mayo o Hunyo.

Si Arthur ay kampeon ng British, Commonwealth at European super featherweight division at mayroon lamang isang kabiguan sa 28 na laban at 17 dito ay sa pamamagitan ng knockout.

"Pacquiao is made for Alex. He jumps forward and Alex hit so hard and would hurt him," wika ng trainer ng British boxer na si Wayne McCullough.

May sinasabi itong si McCullough dahil siya ay dating WBC bantamweight champion at inalagaan ni American trainer Freddie Roach na siya ngayong namamahala sa pagsasanay ni Pacquiao.

Nasa ringside din ang dalawa nang labanan ni Pacquiao at talunin si Erik Morales at sa pananaw ni McCullough ay kakayanin ng kanyang bata ang mga suntok ng Filipino champion.

Sasabak sa laban si Arthur kontra kay Ricky Burns sa Pebrero 18 sa Edinburgh, Scotland at kung magwawagi siya sa laban ay inaasahang aakyat siya sa rating at posible na siyang maikonsidera para sa susunod na makakalaban ni Pacquiao.

Si Arthur ay may alias bilang "Amazing" dahil sa kanyang mahuhusay na pagkilos bukod pa sa angking lakas sa pagsuntok. Ang natatanging kabiguan na natamo ng nasabing boxer ay nangyari noon pang Oktubre 25, 2003 laban kay Michael Gomez.

Maliban kay Arthur, ang iba pang boksingerong nais na labanan si Pacquiao ay si Oscar Larios, Javier Jauregui at Tim Austin.

"Walang problema sa akin kung sino ang gustong lumaban basta katimbang lang," pahayag naman ni Pacquiao.

Ang kaliweteng boxer ay magiging abala muna sa pag-akto bilang boxing commentator sa laban ni Fil-Am Brian Viloria at Mexican boxer Jose Aguirre sa Sabado (Linggo sa bansa) sa Las Vegas. (Luz M. Constantino)

vuukle comment

ALEX

ERIK MORALES

FIL-AM BRIAN VILORIA

FREDDIE ROACH

GENERAL SANTOS CITY

ISANG ALEX ARTHUR

JAVIER JAUREGUI

JOSE AGUIRRE

PACQUIAO

SI ARTHUR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with