Titulo kukunin na ng Rain or Shine
February 9, 2006 | 12:00am
Nais magtala ng Rain or Shine ng isa na namang malaking accomplishment sa kanilang makulay na kampanya sa Philippine Basketball League.
Tangka ng Elasto Painters na ma-sweep ang kanilang titular series laban sa Magnolia Ice Cream para sa korona ng 2006 PBL Heroes Cup sa Game-Three ngayon sa San Andres Gym sa Malate, Manila.
Taglay ang 2-0 kalamangan sa best-of-five championship series, inaasahang ibibigay lahat ng Rain or Shine ang kanilang lakas para handugan ng isa namang maningning na tropeo sina coach Caloy Garcia at owners Raymond Yu at Terry Que.
Nasa panig ng Elasto Painters ang momentum matapos ang 70-68 overtime win sa Game One na sinundan nila ng 75-73 pamamayani sa Game-Two dahil sa kagitingan nina Jun Cabatu at ng Most Valuable Player ng torneo na si Jojo Tangkay.
Sa kasaysayan ng prangkisa ng Welbest na dating nagdadala ng pangalan ng Welcoat, napanalunan nila ang unang limang titulo sa pamamagitan ng sweep at hangad nilang madagdagan ang ganitong panalo. (CVOchoa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended