^

PSN Palaro

Air21 third place

-
Hindi man championship ang labanan, parang champion pa rin ang pakiramdam ng Air21 nang kanilang makopo ang konsolasyong third place sa San Mig Coffee-PBA Fiesta Conference kagabi sa Araneta Coliseum.

Ginawang inspirasyon ng Express ang magkaroon ng third place trophy, kakaibang intensidad ang kanilang ipinamalas upang magawang iwanan ang Barangay Ginebra tungo sa impresibong 108-98 panalo kahapon sa kanilang knockout game.

Samantala, mahigpit ang labanan nina Kerby Raymundo at Ren Ren Ritualo para sa Best Player of the Conference award na nangunguna sa statistical point standing matapos ang semifinal round.

Sa kaugnay na balita, hindi pa sa San Miguel ang final stop ni Brandon Lee Cablay.

Ayon sa isang impormante, isang trade ang niluluto ng San Miguel na magdadala kay Cablay sa Barangay Ginebra.

Kapalit ng pagpunta ni Cablay na nakuha naman ng Beermen sa Alaska kapalit ni Nick Belasco, ay sina Migs Noble at Mark Macapagal, ayon sa mapagkakatiwalaang source na malapit sa Ginebra.

Matapos ipamigay si Cablay, nakalinya rin sina Rich Alvarez at Tony dela Cruz sa traiding block ng Alaska na gumagawa ng malaking pagbalasa sa kanilang roster. (Carmela Ochoa)

vuukle comment

ARANETA COLISEUM

BARANGAY GINEBRA

BEST PLAYER OF THE CONFERENCE

BRANDON LEE CABLAY

CABLAY

CARMELA OCHOA

FIESTA CONFERENCE

KERBY RAYMUNDO

MARK MACAPAGAL

SAN MIGUEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with