^

PSN Palaro

Giant Leap Ng Purefoods  

FREETHROWS - AC Zaldivar -
Tama lang ang naging sagot ni coach Paul Ryan Gregorio ng Purefoods Chunkee Corned Beef nang tanungin siya kung aling ko-ponan ang nais niyang makala-ban sa best-of-seven Finals ng San Mig Coffee PBA Fiesta Con-ference. Aniya, "may the best team win."

Hindi pa kasi tapos ang sagu-paang Barangay Ginebra at Red Bull Barako na nangailangan ng deciding Game Seven sa kanilang sariling semifinals series samanta-lang winakasan ng Giants ang ka-nilang serye laban sa Air 21 sa anim na games.

Hindi naman kasi pwedeng mamili ng makakalaban ang Pure-foods. Hindi nila hawak sa kani-lang kamay iyon. Nasa kamay ng Gin Kings o ng Barakos ang kani-lang kapalaran.

Pero sa tutoo lang, wala na-mang itulak kabigin sa Barangay Ginebra o Red Bull. Parehong matitindi ang dalawang koponang ito at tiyak na mahihirapan ang Purefoods kahit na sino sa kanila ang makaharap ng Giants sa Finals.

Ang importante para kay Gre-gorio ay muli niyang naigiya sa championship round ang Pure-foods. Matagal-tagal na rin na-mang hindi nangyari ito.

Huling pumasok sa Finals ang Purefoods noong 2002 first con-ference kung saan si Gregorio ay interim head coach pa. Noon kasi’y iniwan pansamantala ni Eric Alta-mirnano ang Purefoods upang magsilbing assistant coach sa RP Team na pumang-apat sa Busan Asian Games.

Bale nagtala ng Cinderella fi-nish si Gregorio dahil nga sa naigiya niya hindi lang sa Finals kundi sa kampeonao ang Pure-foods. nasundan niya ang yapak nina Altamirano at Vincent "Chot" Reyes na napagkampeon din ang Purefoods sa kauna-unahan nilang conference bilang head coach sa PBA. Pero matapos iyon ay su-madsad na ang Purefoods. Ilang conferences ding nangulelat ang koponang ito.

Na-appoint na head coach si Gregorio noong 2003 pero palagi ngang nasa dulo ng standings ang kanyang koponan. Hindi naman siya nawalan ng loob at pana’y re-building ang kanyang ginawa. Kumuha siya ng mga manlalarong bubuo sa piyesang championship puzzle.

Sa tutoo lang, bago nagsimula ang kasalukuyang conference, wala pa ring naniwala na kaya ng Purefoods na makarating kahit man lang sa semifinal round. Ang daming ibang teams na nagpala-kas at mas pinaboran. Nandiyan ang Talk N Text, San Miguel Beer at  Alaska Aces.

Marahil, dahil walang pressure sa kanilang balikat, kumayod lang nang kumayod ang Purefoods Giants. Hindi naman kasi sila na-papansin sa umpisa ng torneo.

Doon nagkamali ang kalaban nila. Parang ipinaghele sila ng Giants at hindi na sila nagising. Namulat na lang sila nang mako-po ng Giants ang unang automatic semifinals berth. Doon pa lang naniwala ang karamihan na ser-yosong contender ang Purefodos.

Kaya naman kahit na aling ko-ponan ang makalaban ng Pure-foods sa best-of-seven Finals, tiyak na seseryosohin ang Giants. At mula ngayon, makakaramdam na ng pressure si Gregorio. Hindi na siya babalewalain!

ALASKA ACES

BARANGAY GINEBRA

BUSAN ASIAN GAMES

ERIC ALTA

FIESTA CON

GAME SEVEN

GREGORIO

LANG

PUREFOODS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with