^

PSN Palaro

POC wala pang hatol kay Singson

-
Wala pang official state-ment na ipapalabas ang Philip-pine Olympic Committee (POC) hinggil sa posibleng pagkakabawi sa gold medal ng isang taekwondo jin sa na-karaang 23rd Southeast Asian Games.

Ayon kay POC president Jose "Peping" Cojuangco, Jr., gusto niyang personal na makita ang official report mula sa World Anti-Doping Agency (WADA) kung saan naging positibo si taekwondo jin Esther Marie Singson sa paggamit ng diuretics, isang uri ng banned substance na pampabawas ng timbang.

"We will wait until we send a report to the SEA Games Fe-deration and hear their com-ment before going into any kind of decision," ani Cojuangco. "We have recieved reports but I would like to get the complete story before also making any conclusions. Baka meron pang ibang bagay na inlcuded which I think needs a very thorough analysis."

Ikinatuwiran ng Philippine Taekwondo Association (PTA) na isang ‘honest mistake’ la-mang ang pag-inom ni Sing-son ng slimming tea dalawang linggo bago ang SEA Games.

Lumobo ang estudyante ng University of Sto. Tomas sa 57-kilogram na mas mabigat sa itinakdang 55-kilogram para sa kanyang dibisyon.

Inaasahang ihahain ni PTA president at POC chairman Robert Aventajado sa World Taekwondo Federation (WTF) ang report ng WADA ukol kay Singson kasabay ng pagpapa-liwanag. Hihintayin rin ni Co-juangco ang opisyal na desis-yon ng SEAG Federation sa pulong na mangyayari nga-yong buwan sa Malaysia.

Maliban sa Pilipinas, isang karatedo athlete rin ng Malay-sia ang binawian ng gintong medalya sa 2005 SEA Games matapos makitaan ng banned substance sa kanyang urine samples. (R. Cadayona)

COJUANGCO

ESTHER MARIE SINGSON

GAMES FE

OLYMPIC COMMITTEE

PHILIPPINE TAEKWONDO ASSOCIATION

ROBERT AVENTAJADO

SOUTHEAST ASIAN GAMES

UNIVERSITY OF STO

WORLD ANTI-DOPING AGENCY

WORLD TAEKWONDO FEDERATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with