MAY FANS NA RIN ANG AIR 21

Maraming nagsasabi na ka-pag nakapasok sa Finals ng San Mig Coffee PBA Fiesta Confe-rence ang Air 21 ay hindi mapu-puno ang playing venue at baba-ba ang rating ng PBA sa tele-vision.

Wala raw kasing hatak ang Air 21 hindi tulad ng Purefoods Chun-kee Corned Beef na tumaas ang popularidad nang makuha si James Yap. Nakadagdag din sa fan following ng Purefoods ang pangyayaring na-link si Yap kay Kris Aquino na paminsan-minsan ay nakikita rin sa venue.

Maganda daw na Purefoods ang pumasok sa Finals dahil kahit na alin sa Red Bull o Barangay Ginebra ang makaharap nito’y tiyak na putok sa takilya!

Sa ganang akin, mali yata ang obserbasyong iyon.

Kung papasok sa best-of-seven Finals ang Air 21, tatauhin pa rin ang venue hindi dahil sa Red Bull o Barangay Ginebra. Tatauhin ang venue at manana-tiling mataas ang rating ng PBA dahil ibang klase naman ang ipinapakita ng Air 21.

Kakaibang success story ito.

At alam naman natin ang mga Pinoy, mahilig tayo sa success story lalo na’t isang dating bina-balewala ang may tsansang ma-kaabot sa rurok ng tagumpay. Hin-di nga ba’t sinasabing "everybody loves the underdog!" Sa tutoo lang, na-appreciate na ng mga fans ang Air 21. At dahil sa pangyayaring pinatalsik ng Express ang defen-ding champion San Miguel Beer sa wild card phase at ang power-house Talk N Text sa quarterfinals, kahit paano’y nadagdagan na rin ang mga fans ng Express.

Marami akong kaibigang tala-gang bumibilib na ngayon sa Air 21, lalo na sa baguhang coach na si Dolreich "Bo" Perasol.

Sa unang tingin mo nga kay Perasol, parang maamong-maa-mo ang mukha niya kung kaya’t kagigiliwan mo siya. Para bang si Jericho Rosales ang dating! Kaya nga maraming mga babaeng fans ang humahanga hindi sa mga players ng Air 21 kundi sa coach mismo!

Si Perasol ay may potential na masundan ang yapak nina Paul Ryan Gregorio at Bethune Tan-quingcen na nagkamit ng kam-peonato sa kanilang kauna-una-hang torneo bilang head coach sa PBA. Cinderella finish ang kan-yang hangad.

Pero kung ikukumpara sa Purefoods at Barangay Ginebra, may plus ang hangarin ni Perasol. Kasi, bago naman napagkam-peon nina Gregorio at Tanquing-cen ang Purefoods at Ginebra ay nagwagi na naman ng kampeo-nato ang mga koponang ito sa ilalim ng ibang coaches.

Ang Air 21 ay hindi pa nag-wawagi ng kampeonato mula nang maging miyembro ng PBA no-ong 2002. Marami na ang coaches na nagtangkang ihatid sa "promised land" ang Express subalit sila’y nabigo. Kabilang sa mga ito sina Derrick Pumaren, Bonnie Garcia, Joe Lipa at Gerardo "Bong" Ramos.

Pero ngayon ay may tsan-sang matapos na ang pananabik ng Air 21 Express sa ilalim ni Pera-sol. Natural na nae-excite din ang mga PBA fans dahil sa baka sa pagtatapos ng kasalukuyang torneo ay isang bagong kampeon ang kanilang makita.

Pero siyempre, kung papasok sa Finals ang Air 21, natural na may disadvantage sila sa bilang ng mga fans ng kanilang makaka-laban. Kung mayroong nagdara-sal para sa kanila, may magda-rasal para sa kanilang makaka-laban.

Marami pa rin ang manonood sa Finals kung saka-sakali!

Show comments