Inaasahan ng Amateur Boxing Association of the Philippines (ABAP) ang pagdating sa bansa ni Cuban coach Raul Fernan-dez Liranza sa susunod na linggo para ihanda ang mga Filipino pugs sa 15th Asian Games sa Doha, Qatar.
Kumpiyansa si ABAP secretary-general Roger Fortaleza na makakabiyahe ang 57-anyos na si Liranza matapos ang ilang nabitin na pagdating nito noong Nobyembre ng 2005 para sa 23rd Southeast Asian Games.
Si Liranza ang tumulong kay light flyweight Mansueto "Onyok" Velasco, Jr. sa pagsuntok sa silver medal sa Olympic Games noong 1996 sa Atlanta, USA.
Samantala, iniwan naman ni American mentor Purvis Gran-ger ang Philippine Bowling Congress (PBC) matapos tanggapin ang $1,000 monthly salary mula sa Philippine Sports Commis-sion (PSC).
The amount that we are giving him is only 20 percent of what the other coaches are getting from the other countries, ani PBC president Steve Hontiveros kay Granger. Merong nag-offer sa kanya na mas malaki ang salary at tinanggap na niya.
Sa pagkawala ni Granger, inaasahang sosolohin na lamang ni Johnson Cheng ang pangangasiwa sa mga national bowlers.
Sa nakaraang 23rd Southeast Asian Games, nagpagulong ang mga Filipino keglers ng kabuuang apat na gold at anim na silver medals. (Russell Cadayona)