Rain or Sine, Magnolia target ang finals ngayon

Tangka ng Rain or Shine at Magnolia Dairy Ice Cream na iselyo ang kanilang titular showdown sa pamamagitan ng kanilang tagumpay ngayon sa magkahiwalay na semis game sa pagpapatuloy ng 2006 PBL Heroes Cup sa San Andres Gym sa Manila.

Makakasagupa ng Rain or Shine, na pangarap ang ikapitong titulo, ang Harbour Centre sa alas-4:00 ng hapon pagkatapos ng alas-2:00 ng hapong sagupaan ng Magnolia Wizards at Granny Goose Tortillos sa alas-2:00 ng hapon.

Kapwa nanalo ang Magnolia at Rain or Shine sa opening ng kanilang best-of-five semifinal series at dahil mayroon silang one-game advantage bilang top-two team sa eliminations, isang panalo na lamang ang kanilang kailangan para tuluyang makasulong sa semifinals.

Sumandal ang Elasto Painters sa kanilang malalim na championship experience upang igupo ang Port Masters sa Game-One, 69-67, sa kabayanihan nina Marvin Ortiguerra at Gilbert Malabanan.

Pinarisan naman ito ng Wizards nang kanilang itakas ang 98-97 panalo sa isang overtime game laban sa Granny Goose Tortillos sa pamamagitan ng game winning short stab ni RJ Rizada. (CVO)

Show comments