Makati nagpasiklab

TALAVERA, Nueva Ecija – Muling nagpasiklab ang top favorite Makati makaraang hiyain ang Isabela, 32-4 habang nagpamalas ng gilas ang Tanauan makaraang kumana ito ng 24-1 panalo laban sa Villegas HS sa pagpapatuloy ng 4th National All-High School Baseball Championship na ginaganap dito sa Talavera National High School ground.

Kumamada ng 4 na RBI (runs-batted-in) si Maclyn Samarin at nag-ambag ng tigatlo ang mga kakamping sina Julius Bacoco at Justin Zialcita para banderahan ang Makati sa kanilang ikalawang sunod na tagumpay sa gayundin daming laro at solong manguna sa Bracket B.

Sa diamond 1, nagpakita rin ng kahusayan ang mga manlalaro ni Tanauan Mayor Alfredo Corona nang maaga pa lamang ay agad dinomina ang laro sa pag-iskor ng 12 runs sa 1 at 2 inning.

Kumana ng 4 na RBI si Bernard Fajardo kasama sina Charles Natividad, John Michael Manaig at Paul Arcega para trangkuhan ang Tanauan sa kanilang unang panalo.

Maganda rin ang naging panimula ng Bulacan maka-raang padapain ang Cagayan, 12-6 na sinundan ng 11-2 panalo sa Tuguegarao at makasama ang Marikina na nanaig naman sa Palayan City, 15-3.

Kapwa may 2-0 panalo ang Bulacan at Marikina sa Bracket A.

Show comments