"Malapit na ang laban kaya excited na ako," wika ng Filipino southpaw pag-katapos ng kanyang trai-ning sa Wild Card Gym na lumamig dahil sa pag-ulan noong Sabado.
Close door na ang trai-ning sessions ni Pacquiao sa gym na pagmamay-ari ng kanyang chief handler na si Freddie Roach, ma-liban noong Miyerkules nang magkaroon siya ng public workout.
Sa susunod na Saba-do, (Linggo sa Manila), ha-harapin ni Pacquiao si Erik Morales sa Thomas and Mack Center na rematch ng kanilang 2005 encoun-ter na pinagwagian ng Mexican sa MGM Grand sa Las Vegas.
Sinabi ni Pacquiao na umaasa siyang iba na ang katatapusan ng laban sa pagkakataong ito.
"I lost the first fight be-cause I underestimated him. I gave him the con-fidence. This is the biggest fight of my life," sabi ni Pacquiao sa mga foreign media na nasa loob ng gym. "I think Morales is in good shape and he trained hard. He is a good boxer," dagdag pa ni Pac-quiao, na hangad ang panalong magbibigay daan sa ikatlo at posibleng huling laban ng dalawang mahuhusay na fighters.
Ito ang ikasiyam na laban ni Pacquiao sa U.S. mula noong 2001 kung saan may record itong 5-1-2 (win-loss-draw) at may five knockouts.
"Im scared everytime I fight. Im scared if Im not in shape. But now? Im in great shape and Im ready to fight," wika ng 130 lb na magtatapos ng kanyang six-week training sa Lunes. "Both fighters like to fight. I like this fight."
Bibiyahe si Pacquiao at ang kanyang entourage pa-Las Vegas sa Jan. 21. (Abac Cordero)