^

PSN Palaro

P10M isinubi ni ‘Bata’ sa Derby City Classic

-
Napanatili ni Efren ‘Bata’ Reyes ang kanyang korona matapos na igupo ang Amerikanong si Jason Miller, 3-0 sa One Pocket Division ng Derby City Classic noong Biyernes sa Executive West Hotel sa Lousville, Kentucky, USA.

Una niyang isinukbit ang titulo sa naturang event noong 1999, ang nasabi ring taon ng bumandera siya sa World Pool Championships.

Ito ang kanyang ikalawang major na panalo mula ng sumailalim siya sa laser treatment na isinagawa ng dokotr na sina Jack Arroyo ng American Eye Center at Arnold Salud upang itama ang kanyang paningin.

Binokya din ng Filipino pool idol ang isa pang American na si Mike Sigel, 2-0 sa finals ng nakaraag 2005 International Pool Tour (ITP) 8-Ball shootout noong nakaraang Disyembre 2005 sa Orange Country Convention Center sa Orlando, Florida USA.

Ang panalo ng 51-anyos na mula sa Angeles City ay nagbulsa ng panibagong US$200,000 (humigit-kumulang P10 milyon) na sapat na para umangat sa 2006 Player Money List.

Si Reyes ang highest earner noong nakaraang taon sa kanyang total prize na $279,160 na naipon mula sa 15-torneong nilahukan kung saan pinangunahan nito ang Derby City Classic 9-ball, One-Pocket at Masters of Table.

Ang pagtumbok ni Reyes noong nagdaang taon ay ginambala ng kanyang malabong paningin na naging daan upang maagaw sa kanya ang overall title sa Asian 9-Ball Tour ni Yang Ching Shun ng Taiwan at nabigong umusad sa knockout round sa WPC.

AMERICAN EYE CENTER

ANGELES CITY

ARNOLD SALUD

BALL TOUR

DERBY CITY CLASSIC

EXECUTIVE WEST HOTEL

INTERNATIONAL POOL TOUR

JACK ARROYO

JASON MILLER

MASTERS OF TABLE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with