^

PSN Palaro

Ang love story ni Freeman at Jackie

TAKE IT TAKE IT! - Nap Gutierrez -
Napakaganda ng love story ng San Miguel import na si Kevin Freeman at ang aktres na dating asawa ni Benjie Paras na si Jackie Forster.

Nung mapabalitang babalik dito si Freeman as an import sa SMB team, marami ang nagsabing magkakabalikan itong si Jackie at si Freeman. Ang sabi naman ng manager ni Freeman,. Nangako raw ang import na hindi na muna siya makikipagkita kay Jackie kapag nandito na siya. Pero lately, napagkikita na naman sa laro si Jackie Forster, at nagtsi-cheer for Freeman.

Noon pa’y nagkaroon na ng relasyon itong si Freeman at Jackie. Pagkatapos ng huling laro noon ni Freeman ay nag-abroad sila. Ayos na sana ang lahat hanggang sa ma-discover ni Jackie na may anak sa ibang babae si Freeman. Ora mismo, nagkahiwalay sila.

Ngayon, si Jackie naman ang buntis, at ang ama diumano ay isang model na ayaw panagutan ang bata. Nangako si Freeman na kaya niyang panagutan ang pagiging ama ng batang ipinagbubuntis ni Jackie.

Matuloy na kaya sila ngayon? Depende kaya yan sa itatagal ni Freeman dito sa Pinas? Kay sarap abangan ng susunod na kabanata sa kanilang mahiwagang pag-iibigan.
* * *
Next target-- ang maka-gold naman finally sa Olympics,

Kakayanin natin yan with the right funding at proper training.

Sa ngayon, nangangalap na sila ng pondo para makapag-training nang mahusay ang mga athletes natin sa sports kung saan inaasahang may pag-asa tayong magka-medalya.

Ngayon pa lang, tina-trabaho  na yan ni First Gentleman.

Marami sanang tumulong sa kanyang private funders.
* * *
Kawawa naman ang PBA coach na ito. Sabi-sabi, nanganganib na siya sa posisyon niya. Sabisabi, nasa last conference na raw siya.

Marami na siyang naririnig pero tinatakpan na lang niya ang tenga niya. Pero kahit anong gawin niya, maririnig pa rin niya ang mga ito dahil palakas nang palakas ang dati’y bulung-bulungan lang.

Pa-tutuo na nang pa-tutuo ang mga dati’y tsismis lang.

All because he has failed to deliver.
* * *
Bakit daw ayaw pang magpakasal nang sikat na PBA player na ito kahit na nasa marrying age na siya? Kahit na maganda na ang kita nya?

Noon pa plano ang pagpapakasal pero hindi pa rin nangyayari.

Bakit? Ayaw daw kasi ng nanay ni player sa girlfriend niya.

Nananaig pa rin ang Nanay. Pero hanggang kailan makakatagal si player sa pandidikta ni Nanay?

vuukle comment

BAKIT

BENJIE PARAS

FIRST GENTLEMAN

FREEMAN

JACKIE

JACKIE FORSTER

KEVIN FREEMAN

MARAMI

PERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with