^

PSN Palaro

Bayless referee sa Pacquiao-Morales bout

-
Inihayag ng Nevada State Athletic Commission na si Kenny Bayless ng Nevada ang third man sa ring sa sagupaan nina Manny Pacquiao at Erik Morales sa Thomas and Mack Center sa Las Vegas noong Lunes, 12-araw bago ang pinakahihintay na rematch ng dalawang world’s greatest super featherweights sa Jan. 21.

Nakapag-officiate na si Bayless, protege ni American referee Richard Steele, ng malalaking laban at inilarawan sa isang boxing website na "decent" referee.

Siya ang referee sa Roy Jones-Antonio Tarver fight noong November 2003, Shane Mosley-Raul Marquez bout noong 2003 rin, at Bernard Hopkins-Oscar dela Hoya battle noong September 2004.

Ang mga judges ng labang tinaguriang "The Battle" ay sina Dave Moretti, Jerry Roth at Paul Smith.

Tulad ni Bayless, galing ang tatlo sa Nevada.

Ang nalalapit na laban nina Pacquiao at Morales, na ipapalabas sa pay-per-view, ay ang pinakamalaking boxing event sa taong ito.

Unang nagharap sina Pacquiao at Morales noong March ng nakaraang taon kung saan ang Mexican three-time champion ang nagtala ng unanimous decision matapos ang 12 rounds.

Si Joe Cortez ang referee noon kung saan nagkauntugan ang dalawang boksingero sa fifth round,na ikinatalo ni Pacquiao matapos ang malaking sugat sa kanang kilay.

Sinabi ni Cortez, na isa itong "good punch," na siyang nagligtas sa Mexican boxer sa deduction kaya nahirapan na ang Pinoy na manalo.

Base sa mga slow-motion replays ng untugan ng dalawa, malinaw na nang-headbutt ang Mexicano na tila aksidente lamang ngunit hindi ito "good punch" na siyang dahilan ng sugat at pagtagas ng dugo sa mukha ng Pinoy boxer.

Ayon kay Freddie Roach, ang American trainer ni Pacquiao, ang naturang headbutt sa March encounter ang naging best punch ng laban. Sabi ng isang boxing insider, si Cortez ay isang referee na nagbibigay ng pabor sa mga Mexican fighters at umaasa siyang hindi ganito si Bayless. (Abac Cordero)

vuukle comment

ABAC CORDERO

BAYLESS

BERNARD HOPKINS-OSCAR

DAVE MORETTI

ERIK MORALES

FREDDIE ROACH

JERRY ROTH

KENNY BAYLESS

PACQUIAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with