^

PSN Palaro

Panalo siniguro ni Morales

-
Sinabi ni three-time world champion Erik ‘El Terrible’ Morales, na kasalukuyang nasa maigting na pagsasanay sa kabundukan ng Mexico, na mas pukado at nanabik sa kanyang nalalapit na laban kay Manny Pacquiao sa Enero 21 sa Las Vegas, pero tinitiyak na muli niya itong mapagwawagian.

Masaya si Morales sa nagaganap na training niya para sa kapana-panabik na laban sa Thomas and Mack Center at idiniin na ang pagpapalakas sa ilalim ng bagong trainer na si Jose Luis Lopez Jr. ay isa sa may pinakamagandang training sa kanyang career.

"My (training) camp is one of the best I’ve had," ani Morales sa pahayag nito sa Fightnews.com.

Si Morales, umiskor ng unanimous decision na panalo laban kay Pacquiao nang una silang magtagpo noong nakaraang taon ay nakikipag-ispar sa mga dating world champions na sina Freddie Norwood at Daniel Atah.

Sinabi naman ni Pacquiao na pokado rin siya at handang-handa sa kanyang rematch kay Morales ay sisiguruhing ibang istorya na ang mangyayari ngayon.

"I am 100 percent focused and I want to win this fight," ani Pacquiao.

vuukle comment

DANIEL ATAH

EL TERRIBLE

ENERO

FREDDIE NORWOOD

JOSE LUIS LOPEZ JR.

LAS VEGAS

PACQUIAO

SI MORALES

SINABI

THOMAS AND MACK CENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with