Kumabig ang bagitong si Devance ng efficiency rating na 17 points sa likod ng kanyang 15.67 points per game at 10.0 sa boards upang rendahan ang karera para sa MVP crown ng torneo.
Nagawa ng 6-foot-7 slotman na makuha ang No. 1 slot sa kabila ng mahinang ipinapakita ng Toyota Otis-Letran mula sa kanilang 2-7 kartada.
Nasa No. 2 at No. 3 naman sina dating PBA player Jojo Tangkay ng Rain or Shine at Fil-Am Kelly Williams ng Magnolia Dairy Ice Cream sa kanilang efficiency ratings na 16.85 points at 15.13 points, ayon sa pagkakasunod.
Sakaling masipa ang Knights ni Devance sa eliminasyon, tuluyan nang mababasura ang produksyon ng Fil-Am para sa MVP race.
Ang 62 na si Tangkay ang kumakamada sa scoring department sa kanyang 19.62 points average, samantalang ang 66 namang si Williams ang naghahari sa rebounding sa kanyang 11.0 boards per game.
Wala naman sa Top 5 ang back-to-back MVP awardee na si Arwind Santos ng Magnolia bunga ng kanyang mababang efficiency rating na 12.75 points.
Ngunit sa kabila nito, patuloy pa ring nangunguna ang Wizards ni Koy Banal sa pamamagitan ng kanilang 7-1 rekord. (Russell Cadayona)