Sinilat ni 2004 National Open champion NM Dar-win Laylo ng Marikina City ang dating World Junior women champion na si GM Humpy Koneru ng India upang makisalo sa liderato kina top seed Super GM Zurab Azmai-parashvili ng Georgia, at 9th seed GM Wu Shaobin ng Singapore matapos magtala ng perfect score na 3.0 points sa tatlong rounds.
Tinalo ng No. 27 seed na si Laylo si No. 6 seed GM Koneru sa marathon 66 moves ng English Opening sa pamamagi-tan ng time forfeit.
Matagumpay namang hinawakan ni Azmaipa-rashvili, dating European champion ang puting piyesa upang pabagsakin ang kapwa GM na si Viktor Varavin ng Russia sa 45 moves ng English Opening habang iginupo naman ni GM Wua ang Singapore-based IM na si Luis Chiong IV.
Ang pinakamalaking upset ay naitala ni No. 32 seed IM candidate Oliver Dimakiling ng Davao City na sumilat kay defending champion at No. 7 seed GM Susanto Megaranto ng Indonesia matapos ang 47 moves ng Ruy Lopez Opening upang pamunuan ang grupo ng mga players na may 2.5 points.
Kabilang dito ang co-champion noong naka-raang taon na si No. 4 seed GM Mark Paragua ng Marilao, Bulacan, No. 11 seed GM Nelson Mariano II ng Quezon City, IM Richard Bitoon ng Medellin, Cebu, No. 2 seed GM Ni Hua at No.3 seed GM Zhang Zhong ng China, No. 17 seed IM Jason Goh ng Singapore, No. 18 seed IM Gur Mittleman ng Israel, No. 25 seed FM Tirto ng Indonesia at No. 26 seed Bao Quang ng Vietnam.
Nagkasya sa draw si Paragua kay Tirto mata-pos ang 27 moves ng Queens Gambit Accep-ted; dinimolisa ni Mariano si IM Pham Chuong ng Vietnam sa 33 moves ng Sicilian-Closed; nakihati sa puntos si Bitoon kay GM Zhong; naka-draw din si IM Goh kay GM Hua sa 48 moves ng Slav Defense; nanalo si Bao sa kababayang si Ngu-yen Hong Ly matapos ang 28 sulungan ng Sicilian Skirmish habang nakaligtas naman si IM Mittleman sa bingit ng kabiguan sa 12-anyos lamang na RP whiz kid FM Wesley So ng Bacoor, Cavite matapos ang 50 moves ng Caro-kann defense.