Kings nakasiguro rin sa playoff
December 26, 2005 | 12:00am
Natanggap ng Baran-gay Ginebra ang kanilang hiling na regalo sa araw ng Pasko: playoff ticket.
Nakuha nila ang kara-patang hamunin ang Red Bull Barako para sa huling awtomatikong semifinals ticket n g San Mig Coffee-PBA Fiesta Conference matapos ang 96-89 pana-lo kontra sa Alaska Aces sa pagtatapos ng elimina-tion round kahapon sa dinayong Cuneta Astro-dome.
Ito ay dahil kina import Chris Porter at Mark Caguioa na kumayod ng tig-18-puntos sa second half upang pamunuan ang Gin Kings tungo sa ikasiyam na panalo matapos ang kabuuang 16-laro.
Nagtapos silang ka-tabla sa 9-7 kartada ang Red Bull, Talk N Text at Air21. Ngunit dahil sa ma-taas na qoutient ng Bara-kos at Ginebra, sila ang magsasagupa para sa huling awtomatikong se-mifinals ticket.
Ang unang automatic semis slot na biyaya ng top-two-teams pagkata-pos ng eliminations ay inangkin na ng Pure-foods Chunkee Giants na tumapos ng pinakama-gandang 10-6 kartada.
Ang magiging konsu-welo ng matatalo sa la-banang Red Bull at Gi-nebra ay ang awtoma-tikong quarterfinal slot na ipagkakaloob naman sa No. 3 at 4-teams.
Paglalabanan naman ng Phone Pals at ng Express ang No. 4 slot na nakatakda sa Enero 4 din.
Nagtapos naman ang Aces na may 7-9 kartada katabla ang Sta. Lucia pa-ra sa No. 6 at 7 slots na siyang magkakaharap sa wild card phase habang sa isa pang match ay No. 5 team kontra sa kopo-nang makakalusot sa survivorround.
Sa survivor round, naitakda ang sagupaan ng defending champion San Miguel Beer at ng Coca-Cola na kapwa tumapos ng 6-10 kartada ngunit napasakamay ng Beermen ang No. 8 slot na may biyayang twice-to-beat dahil sa kanilang mas mataas na qoutient.
Nagsumite si Porter ng 29 puntos na sinundan naman ng 25-points ni Caguioa habang nag-ambag naman si Santos ng 18-puntos upang pa-munuan ang Ginebra na nakatakdang sumagupa sa Barakos sa Enero 4 sa pagbabalik aksiyon ng PBA na magbibigay daan sa pagdiriwang ng Ba-gong Taon.
Si Santos ang umiskor ng malaking tres upang ilayo ang Gin Kings sa 94-89 kalamangan mula sa delikadong dalawang puntos na bentahe, pa-pasok sa huling 28-se-gundo ng labanan na hindi na nila binitawan tungo sa kanilang panalo. (Carmela Ochoa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended