^

PSN Palaro

Merry Christmas, Alfrancis

FREE THROWS - AC Zaldivar -
Masayang-masaya ang Pasko ni coach Alfrancis Chua.

Noong Miyerkules ng gabi, habang nagkakasayahan ang Realtors sa tradisyong Christmas Party ni team manager Buddy Encarnado sa Greenland Subdivision sa Pasig ay nanonood ng telebisyon si Chua imbes na makipagsayawan.

Sinusundan niya ang mga kaganapan sa laro sa pagitan ng Alaska Aces at San Migel Beer. Maya-maya’y biglang lumabas ng kwarto si Chua at sabay suntok sa hangin dahil nanghihinayang siya.

"Panalo na ang Alaska Aces dahil sa lamang ng three-points, akalain mong naka-shoot pa si Dondon Hontiveros. Overtime tuloy," sigaw niya.

Kaya naman nadagdagan pa ng ilang minuto ang suspense para kay Alfrancis at sa Realtors.

Kasi nga’y nakasalalay sa Alaska Aces ang kapalaran ng Sta. Lucia. Kung magwawagi ang Aces ay aakyat sa ikaanim o ikapitong pwesto ang Realtors at hindi na dadaan pa sa twice-to-beat. Tutuloy na sila sa best-of-three wild card phase.

Well, matapos ang ilan pang minutong panonood ng television ay muling lumabas ng kwarto si Chua at nagbunyi. Nagwagi ang Alaska Aces.

Tuloy ay kinantiyawan siya ng kanyang mga manlalaro sa pangunguna ni Kenneth Duremdes. "E di wala na munang ensayo ngayong Pasko. Sa January na tayo magkita-kita!"

Sa tutoo lang, sinabi ni Alfrancis na maraming blessings ang dumating sa kanya ngayong Pasko. Bukod sa hindi nangulelat ang Realtors, may malaking regalo siyang tinanggap sa pamunuan ng Sta. Lucia.

Kasi nga’y pinapirma siya ng bagong three-year contract kahit na sa Pebrero pa mag-eexpire ang kanyang kontrata.

"Hindi ko talaga inaasahan dahil sa February pa mag-eexpire ang contract ko. Ipinatawag ako ni sir Buddy (Encarnado). Sabi may problema daw siya sabay abot sa akin ng papel at basahin ko daw sa opisina. Pag tingin ko, bagong kontrata. Pinirmahan ko kaagad," ani Chua.

Masaya daw si Chua sa kampo ng Sta. Lucia dahil sa itinuturing niya itong isang napakalaking pamilya.

"Second family ko nga ito, e. Sa totoo lang, nagsakripisyo din ako ngayong Pasko. Pumunta sa Hong Kong ang asawa ko’t mga anak. Hindi ako sumama dahil nga nag-schedule ako ng practice dahil kailangang paghandaan ang playoff kung saka-sakali. Pero hindi ako nagsisisi na hindi ko kapiling ang pamilya ko ngayong Pasko," aniya.

Nang tinanong naman si Encarnado hinggil sa panibagong kontrata ni Chua, sinabi nitong , "It’s difficult to find new coaches or try young coaches today. Sta. Lucia is a team with players having long contracts. We are working on a system. Pag nilagyan mo ng bagong coach, masisira lahat ang sistema at mababago. That’s why we decided to stick it out with Alfrancis."

Idinagdag pa ni Encarnado na, "It’s not just a matter of Alfrancis being a good coach. More than anything else, it’s a matter of Alfrancis being a good person."

Si Chua ay naging bahagi ng Sta. Lucia noong 2000 nang magsilbi siyang assistant coach ni Norman Black. Bago iyon ay head coach siya ng Tanduay Rhum. Matapos ang dalawang taon ay naging head coach siya ng Realtors.

Bukod kay Black, ang mga iba pang naging coaches ng Sta. Lucia ay sina Nat Canson, Adonis Tierra, Derick Pumaren at Vincent "Chot" Reyes.

Dahil sa pagpirma niya ng bagong kontrata, si Chua na ngayon ang magkakaroon ng pinakamahabang termino bilang coach ng Realtors.

Ang saya ng Pasko niya, no?

ADONIS TIERRA

ALASKA ACES

ALFRANCIS

ALFRANCIS CHUA

BUDDY ENCARNADO

BUKOD

CHUA

ENCARNADO

PASKO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with