Pacquiao pinapaboran pero...
December 24, 2005 | 12:00am
Pinili ni boxing scholar at ng manghuhulang si Graham Houston na magwawagi si Manny Pacquiao laban kay Erik Morales sa isang mahigpit na desisyon sa kanilang epikong 12-round showdown na tinaguriang The Battle" sa Thomas and Mack Center sa Las Vegas sa Enero 21.
Ayon kay Houston, sa kanyang sinulat sa Dec. 10 issue ng Professional Boxing Update, na halos lahat ng sangkap sa kapana-panabik na laban ay nasa tamang lugar na at bahagyang pumapabor kay Pacquiao.
"This is one of those fights where guesswork comes into play when we try to pick a winner," wika ni Houston.
Sa kanilang unang pagtatagpo noong nakaraang Marso, nanaig si Morales sa unanimous 12 round decision sa magkatulad na iskor na 115-113 sa baraha ng tatlong hurado. Ngunit may sugat ang kanang mata ni Pacquiao sanhi ng aksidenteng head butt ni Morales na hindi naman ginawaran ng penalty ni referee Joe Cortez.
At dahil sa sugat na iyon, sinabi ng American trainer ni Pacquiao na nasira ang kanyang game-plan at nangailangan ng mabilisang pagpapalit ng taktika.
Ngunit sinabi naman ni Houston na inaasahan ni Roach na mas pokado at disiplinado si Pacquiao ngayon para sa rematch na ito.
Kapwa nasa malalim na pagsasanay na ang dalawang boksingero. Si Pacquiao ay nasa Wild Card Gym sa Los Angeles habang si Morales ay nasa Queretaro, may 90 miles ang layo sa Mexico City.
Dating nagsasanay si Morales sa Otomi Mountains para sa kanyang laban sa huling walong taon ngunit lumipat sa Queretaro dahil sa maraming snow ngayon ang high-altitude terrain.
Sinabi ni Top Rank publicist Ricardo Jimenez ang wintry weather sa Queretaro ay mas kakayanin kaysa sa Otomi kung saan ang ulan at lamig ang hadlang sa kanyang preparasyon.
Samantala, nakatakdang umakyat ng ring ngayon ang batambatang undefeated Pinoy boxer na si Rey Boom-Boom Bautista na haharapin si Gerardo Espinoza ng Mexico sa Sycuan Resort and Casino sa El Cajon, California.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended