Nakatakdang ibigay ngayon ng Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang mahigit P22 milyong insentibo ng mga atletang naghatid ng medalya upang tanghaling overall champion ang Team Philippines sa nakaraang biennial meet.
Ito ang inihayag nina First Gentleman Mike Arroyo at Philippine Sports Commis-sion (PSC) Chairman William Butch Ramirez, co-chief of mission ng Team Philippines, na nandito sa Hongkong kasama ang 172-gold me-dalists para sa bakasyong ipinangako ng First Gentle-man.
"Ibibigay na ang mga incentive ng athletes. Gusto ng ibigay agad ni Presidente para masaya ang kanilang (atleta) Pasko," pahayag ng Unang Ginoo na magha-pong sinamahan ang mga atleta sa pamamasyal sa Disneyland kamakalawa.
"Haping-happy ang mga atleta. Para sa iba, its a dream come true. Para sa kanila naman talaga ito. Premyo nila ito so. Talagang pahinga at enjoy lang sila," dagdag ni First Gentleman.
Base sa Republic Act 9064, ang mga individual gold medalists ay may P100,000 bawat isa, P50,000 sa silver at P10,000 sa bronze medaIists, gayun-din sa team event ngunit mas malaki ang ibibigay sa mga nanalo ng ginto sa team events depende sa bilang ng miyembro ng team.
"Hinabol talaga namin na mabigay bago magpasko yung incentive. Dati kasi, mga April pa nare-release yung incentives," sabi naman ni Tuason na nauna nang bumalik ng Maynila kama-kalawa upang maisaayos ang pagre-release ng mga insentibo.
Mahigit P22 milyon ang ipamimigay ng Pangulong Arroyo sa isang seremon-yang nakatakda ngayong tanghali sa Malakanyang.
Hindi makakadalo ang First Gentleman dahil nga-yon pa lamang ito darating mula dito sa Hong Kong ngunit inaasahang sasak-sihan nina Ramirez at Philip-pine Olympic Committee president Jose Peping Co-juangco ang seremonya.
Nagtapos ang Team Philippines na may 113 golds, kung saan tigatlong golds sina divers Sheila Mae Perez, rower Benjamin Tolentino, swimmer Miguel Molina at cue artist Alex Pagulayan.
Pinakamalaking mata-tanggap si Molina dahil siya lamang ang tanging triple individual gold medalists ng bansa habang ang iba may kapares sa mga event na kanilang pinanalunan.
Mayroon ding 86-silvers at 94-bronzes ang bansa sa nakaraang SEA Games kung saan inagaw ng Team Philippines ang overall title mula sa Vietnam.