Ang pitong nabanggit ay pangungunahan nina Rowers Suhod Hakim, Ruperto Sabijon, Manuel Maya, Junray Dayumad at Ricky Sardeña, ten-nister Cecil Mamiit at wushu artist Rene Cata-lan ang tatanggap ng major awards dahil sa tulong na kanilang naibi-gay sa Team Philippines para makopo ang overall title sa SEA Games.
Nauna rito, inihayag ng 100-member ng 46-taong media organization ang Team Philippines bilang Athlete of the Year bilang pagkilala sa kanila sa pagsukbit ng kauna-unahang overall cham-pionship sa biennial, 11-nation meet.
Sina Hakim, Sabijon, Maya, Dayumad at Sar-deña ang pawang mga miyembro ng National team na nag-sweep ng apat na gintong nakataya sa mens division ng traditional boat racing, habang si Mamiit ang nagbulsa ng singles at mens team gold medal sa tennis competition.
Sa kabilang dako, si Catalan ay nagwagi ng gold sa mens sanshou (48 kilograms) sa wushu bago siya nagbulsa ng malaking panalo sa nasa-bi ring event sa naka-raang 8th world cham-pionship sa Hanoi, Viet-nam may dalawang linggo pa lamang ang nakakaraan.
Nauna ring hinirang ng PSA Board, na binubo ng mga editors ng mga pangunahing national broadsheets at tabloids ang 14 atleta sa pangu-nguna ng diver na si Sheila Mae Perez at Alex Pagulayan ng billiards bilang mga major awardees.