Port Masters lumakas
December 19, 2005 | 12:00am
Nagising sa tamang oras ang Harbour Centre upang hatakin ang 74-70 panalo laban sa Granny Goose Tortillos at manatiling buhay ang kani-lang tsansa sa quarterfinals ng 2006 PBL Heroes Cup na nagpatuloy sa La Salle Greenhills Gym kahapon.
Nagtulung-tulong sina Marcy Arel-lano, Jay Coching at Robb Reyes sa endgame upang isulong ang Port Masters sa ikaapat na panalo matapos ang siyam na laro.
Umiskor si Arellano ng anim sa kanyang siyam na puntos sa huling tatlong minuto ng labanan habang nagtulong naman sina Coching at Reyes para sa tatlong charities at dalawang rebounds upang ipalasap sa Snackmasters ang ikaapat na talo sa siyam na laro.
Nanganganib na ang tsansa ng Tortillos sa outright semis berth na ipag-kakaloob sa top two-teams matapos silang maungusan ng Rain or Shine na may 5-3 kartada upang sundan ang nangungunang Magnolia Ice Cream na halos sigurado na sa awtomatikong semis slot bunga ng 7-1 record.
"Its sweet, especially beating your mentor," wika ni coach George Gallent ukol kay Granny Goose coach Joe Lipa. "But despite my win over coach Lipa, hindi mawawala ang respeto ko sa kanya. I learned so many things from him as a player and as a coach."

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended