^

PSN Palaro

Utang sa Bacolod at Cebu hindi tatakbuhan ng PHILSOC

-
Tiniyak kahapon ni Philippine Olympic Committee (POC) president Jose "Peping" Cojuangco, Jr. na hindi tatakbuhan ng Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHILSOC) ang pagkakautang sa Bacolod City at Cebu City matapos ang 23rd SEA Games.

 Nagbigay ang PHILSOC ng P9.1 milyon sa Bacolod City mula sa kanilang utang na P23.8 milyon hinggil sa pangangasiwa sa limang sports events ng 2005 SEA Games.

 Naghahabol naman ang Cebu City ng P7 milyon galing sa kabuuang P10 milyong singilin nito sa PHILSOC kaugnay sa pamamahala sa limang sports events.

 "Those are commitments and they have to be paid somehow," sabi ni Cojuangco, tumayong Chief Executive Officer ng PHILSOC. "We’re working on that as hard as we can and as fast as we can para mabayaran ‘yung mga obligations namin sa kanila."

 Ang Bacolod City at Cebu City, bukod pa ang Subic Bay Freeport, ang tumayong ‘satellite venues’ ng nasabing biennial event kung saan tinanghal na overall champion ang Team Philippines sa nakolektang 113 gintong medalya.

 Ang nasabing mga utang ng PHILSOC sa dalawang satellite venues ay mula sa operational expenses.

 Ayon kay Cojuangco, nagkaroon lamang ng pagkaantala at kalituhan ukol sa pagbabayad ng PHILSOC ng mga utang nito sa Bacolod City at Cebu City.

 "Nagkaroon lang ng mga delays sa pagbabayad and maybe some misconception," wika ni Cojuangco.

 Matatandaang inestima ng PHILSOC na gagastos sila ng mula P800 milyon hanggang P1.2 bilyon para sa pagpapatakbo ng 2005 SEA Games. (Russell Cadayona)  

 

ANG BACOLOD CITY

BACOLOD CITY

CEBU CITY

CHIEF EXECUTIVE OFFICER

CITY

COJUANGCO

PHILIPPINE OLYMPIC COMMITTEE

PHILIPPINE SOUTHEAST ASIAN GAMES ORGANIZING COMMITTEE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with