^

PSN Palaro

Tortillos nambiktima na naman

-
Isang malaking isda na naman ang nabingwit ng Granny Goose Tortillos nang kanilang pabagsakin ang Rain or Shine, 77-71 sa pagpapatuloy ng PBL Heroes Cup sa JCSGO gym kahapon.

Sa pagkawala ng injured na si JR Quiñahan, sumandal si Tortillos coach Joe Lipa kina Jett Latonio at Marvin Cruz tungo sa kanilang ikaapat na panalo matapos ang anim na laro at ipalasap sa Elasto Painter ang kanilang ikatlong kabiguan sa anim na pakikipaglaban.

Ibinangon ni Latonio ang Snackmasters mula sa kanilang mahinang simula sa pagkamada ng siyam sa kanyang tinapos na 15-puntos habang kinamada naman ni Cruz ang walong puntos sa final period tungo sa ikatlong panalo ng Granny Goose sa huling apat na laro.

"We played bad defense in third quarter but we tightened it up in the fourth to beat Rain or Shine," ani Lipa matapos ang panalo ng Tortillos na nagluklok sa kanila sa solong ikalawang posisyon sa likod ng nangungunang Magnolia Ice Cream na may malinis na 5-0 kartada.

Kumalas ang Snack-masters sa 54-pagtatabla ng iskor sa pamamagitan ng 6-0 run tungo sa 60-54 pangunguna ngunit nakalapit ang Rain Or Shine sa 68-71.

Gayunpaman, hindi na nasustinihan ng Elasto Painters ang paghahabol nang umiskor si Cruz ng drive at di na nakaporma pa ang Rain or Shine na nabaon ng 12-puntos, 31-19 sa kaagahan ng laro matapos ang 17-4 run ng Granny Goose. (Carmela Ochoa)

CARMELA OCHOA

CRUZ

ELASTO PAINTER

ELASTO PAINTERS

GRANNY GOOSE

GRANNY GOOSE TORTILLOS

HEROES CUP

JETT LATONIO

JOE LIPA

MAGNOLIA ICE CREAM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with