^

PSN Palaro

Import-less Alaska wagi

-
Kahit na walang import, nagawang magtagumpay ng Alaska Aces laban sa Sta. Lucia Realty, 87-82 upang makabangon sa five-game losing streak sa pagpapatuloy ng San Mig Coffee PBA Fiesta Cup sa Ynares Center sa Antipolo kagabi.

Sumandal ang Alaska sa beteranong si Jeffrey Cariaso, Brandon Lee Cablay at Mike Cortez tungo sa kanilang ikaanim na tagumpay matapos ang 13-laro na hindi kasama ang kanilang import na si Tee McClary.

Ang pagkawala ng import ng Alaska na naunsiyami kay Victor Thomas dahil hindi ito pumasa sa height ceiling na 6-foot-6, ay naging malaking hamon para sa kanila upang magpursigi ng husto kagabi sa unang laro ng liga dito sa Maynila matapos magbigay daan sa nakaraang 23rd Southeast Asian Games.

Nadiskaril ang Sta. Lucia na binalikan ni Damian Owens para pumalit sa di epektibong si Omar Weaver na bumagsak sa 5-8 win-loss slate.

Habang sinusulat ang balitang ito ay kasalukuyang nakikipaglaban ang league leader na Purefoods Chunkee (9-3) kontra sa Talk N Text (6-3).

Umabante na ang Sta. Lucia ng 11-puntos sa kaagahan ng unang quarter, 19-30 ngunit nagawa nilang bumangon sa ikalawang canto upang idikit ang iskor.

vuukle comment

ALASKA ACES

BRANDON LEE CABLAY

DAMIAN OWENS

FIESTA CUP

JEFFREY CARIASO

LUCIA REALTY

MIKE CORTEZ

OMAR WEAVER

PUREFOODS CHUNKEE

SAN MIG COFFEE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with